CH. 01

90.3K 1.1K 166
                                    

CH.1 ✰The Beginning ✰



[GAIL]




"Besty! Hindi ka ba sasama sakin?" tanong ng bestfriend kong si Yannie.




"Besty! Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon diba? Wala pa akong time gumastos." Pagtatanggi ko sa alok niya. Hindi naman sa ayaw ko siyang samahan, wala lang talaga akong oras.




"Ako naman magbabayad! At para makita mo na rin ang members ng EXO-K!!" pagpupumilit niya.




"Pasensya na talaga besty, maghahanap pa ako ng murang apartment." sabi ko sa kanya.




"Aish! Sa amin ka na lang kaya tumira?" suggest niya.



"Naku! Besty nakakahiya, next time na lang." sabi ko. Nakakahiya naman kasi talaga.



"Aish! Sige na nga! Ingat ka na lang sa daan." pagsurrender niya saka umalis.




Hi! Ako nga pala si AviGail Cruz isang studyante. At yung besty ko siya si Yannnie Alvarez, bestfriend ko na siya since junior high kami.




At heto ako ngayon, dala-dala ang mga gamit ko kasi pinalayas na ako sa nirerentahan kong apartment. Alam niyo anong dahilan? May bago kasi silang client at MAS malaki daw magbayad kesa sa'kin kaya ayun pinalayas na lang ako bigla. Ang sama nila no?




So, ang peg ko ngayon ay naghahanap ng MURANG apartment. Oo as in MURA, hindi naman kasi ako mayaman katulad ng besty ko. Alam niyo kasi, maaga akong naulila ng mga magulang ko. Kinuha na sila ni God, pero alam ko naman na lagi silang andyan para sa'kin.




"Haaay! Ang drama ng buhay ko! Makapaghanap na nga ng apartment."

Naglakad naman ako ng naglakad, lakad lang ang kaya ko ngayon dahil wala akong pamasahe pang taxi o bus. Napatigil naman ako sa paglalakad ng may tumama na poster sa mukha ko.




"Ano ba naman 'to!" sigaw ko at tinignan ang poster.

Living in One House with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon