CH. 24

12.9K 321 25
                                    

So late siya. Dapat kahapon pa to eh kaso nagloko ang net kaya ngayon lang. Enjoy :)

----

Ch. 24 Surprise!



[GAIL]



Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto ko. Tumingin ako sa clock and it reads 10:00 am. Late na naman ako nagising. Napapadalas na 'to.




"Ano bang gagawin natin hyung?" napalingon ako sa may pinto nang marinig ang nagsalita.




Yan ang dahilan kung bakit ako nagising. Sa dinami dami ba naman ng lugar na pwedeng pag-usapan sa labas ng kwarto ko pa. And take note, their voices are as loud as mic.




Bumangon na ako and did my thing. Ginawa ko na ang lahat nasa labas pa rin sila ng kwarto nag-uusap. Bakit ko alam? Naririnig ko pa rin ang mga boses nila.




"Sinong gagawa? Maruno--" timing pagbukas ko ng pinto tumigil sa pagsasalita si Chen. "Oh. Good morning, Gail." bati ni Suho. Kaya naman pala maingay, sila Chen,Baekhyun,Chanyeol at Suho ang nag-uusap. Tss.




"Anong pinag-uusapan niyo?" usisa ko. Magsasalita na sana si Chen nang dumaan si Xiumin at di na niya tinuloy. Why?




"M-may dumi ba sa mukha ko?" tanong ni Xiumin na nakahawak sa mukha nya. Nakatingin kasi silang apat kay Xiumin.




"Wala hyung. Ang gwapo mo lang talaga.Hehe." sagot ni Baekhyun. Anong klaseng palusot yan Baekla?




"Baliw" tanging nasabi ni Xiumin at bumaba na rin sa sala.




Tatanungin ko na sana ulit si Chen, nang hinawakan ako ni Chanyeol sa kamay at hinila sa kwarto nila. Sumenyas naman siya kina Chen na pumasok din.




"Mas safe dito." sambit ni Chanyeol. Ha? Anong bang pinag-uusapan ng apat na 'to?

Living in One House with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon