Special Chapter -01

8.6K 224 8
                                    

[Gail's POV]


5 ng madaling araw, gising na ako. Maaga akong natulog kagabi kaya eto maaga ding nagising. Sinilip ko ang katabi ko at mukhang himbing na himbing pa siya. Matagal ata natulog. Sino ba naman ang makakatulog ng maayos kung special na araw ngayon para sa kanya diba? Bago lumabas ng kwarto, inayos ko muna ang sarili ko saka dumiretso sa garden para mag-stretching ng kaunti.



"Morning" nilingon ko ang bumati sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka binati siya pabalik. "Morning din, Kyungsoo." Lumapit naman siya sa akin at nag-stretching din. Pagkatapos naming mag-papawis, dumiretso kami sa kusina para ipaghanda ng brekfast ang iba.



"Excited na ako mamaya. Di ko siguro mapigilang umiyak para sa kanya." sabi ko habang hinahanda ang hapag.



"Ako rin. Masaya ako para sa kanila, dapat kayo na ang susunod pagkatapos nila." biro ni Kyungsoo. 10 na ng umaga napagpasyahan namin ni Kyungsoo na gisingin na ang iba. May kailangan pa kaming gawin kaya dapat na silang gumising.



"Anong oras na ba?" tanong ni Kris nang maka-upo. Halatang inis dahil ginising namin.



"10 na ng umaga, hyung." sagot naman ni Kyungsoo sa kanya. Bigla namang nagbago ang expression nilang lahat. Mga natataranta na. Tch. Yan ang tagal kasing matulog.



"Kyungsoo-yah, bat' di mo kami ginising agad? Diba usapan 8AM gising na ang lahat?" reklamo naman ni Chen. Inirapan lang siya ni Kyungsoo at pinagpatuloy ang pagkain.



"Wag na kayong mataranta, may oras pa naman. Tsaka tulog pa si Reen." pagpapakalma ko sa kanila.



"Ano?! Tulog pa siya? Hindi niya ba alam na ka--"



"Gising na ako, Kuya. OA naman nito." pinutol na ni Reen ang sasabihin pa ni Chen.



"Yah! Anong OA ka dyan? Bakit ganyan ang mata mo? Diba sabi ko maaga ka matulog? Paano natin yan--"



"Over acting ka na talaga, Chen. Relax lang, parang ikaw ang ikakasal." singit ni Xiumin saka tumawa.



1 year ago, nagproprose si Sehun kay Reen. At tinanggap naman niya ang proposal ni Sehun, at ngayong araw ang kanilang kasal. Kaya nga hindi nakatulog ng maayos si Reen. Ganun din siguro si Sehun.



Pagkatapos naming maghanda, dumating na ang mga make-up artists. Inumpisahan na nilang ayusan si Reen, tapos ang iba. Dito kami natulog sa bahay nina Chen, ang iba naman sa bahay ni Sehun.

Living in One House with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon