CH. 30

8.3K 273 26
                                    

(Warning! Medyo OA ang chapter na ito. Click external link.)

----

Ch. 30 ✩Bad Days



[Gail]



Nakatulala lang ako sa screen ng cellphone ko at walang paki alam sa pinapanood nila. Hinihintay ko lang ang magiging reaction nina Yannie at Chunji. Oo, nandito ako ngayon sa bahay ni Yannie at kasalukuyan nilang pinapanuod ang presscon ni Kai kasama na rin ang EXO.




"May kumakalat na picture of Kai with a girl and they're kissing. Gusto namin malaman, Kai ikaw ba talaga ang nasa picture?" napasulyap ako sa tv. Pinakita sa tv ang picture.




Hindi ko alam kung paano natanggal ang cap ni Kai. Kung hindi sana yun natanggal, hindi sana siya nakilala, wala sanang issue.




"Opo. Ako nga yung nasa picture." kalmadong sagot ni Kai, pati ang mga katabi niyang members ng exo nakatingin sa kanya. Hinihintay ang mga sagot niya.




"So ikaw nga, pero ang tanong sino ang babaeng kahalikan mo? Girlfriend mo ba?" tanong ng interviewer.




Iniwas ko ang tingin sa tv at muling tumingin sa cellphone ko. Ako naman ang may kasalanan, kaya ako ang dapat maghirap.




"No. She's not my girlfriend." rinig kong sagot ni Kai.




"Then who is that girl? Why did you kiss her?"



Simula na ng paghihirap ko.




"Isa siyang... sasaeng fan. Binantaan niya ako na papatayin kapag di ko siya hinalikan. I have no choice, kaya ginawa ko. Hindi ko naman alam na aalisin niya ang suot kong cap." pagkatapos niyang magsalita narinig ko na lang ang malakas na pagbagsak ng remote sa table.




"Gago pala ang Kai na yan e! Anong sinasabi niyang sasaeng ka?!" sigaw ni Chunji at biglang tumayo.




"Gail, scripted ba ang mga sagot ni Kai? May alam ka ba sa mga sagot niya?" tanong ni Yannie. Nakayukong tumango lang ako kay Yannie.

Living in One House with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon