kabanata-Two

1K 27 0
                                    

**

Riri's Pov




Dating gawi pa din
naghihintay ng masasakyan
sa labas, dahil klase na naman, pero okay na ngayon dahil hindi na ako late matulog, pag kasi late akong matulog ay late din akong magising, yan kasi nakasanayan ko

Btw ako nga pala si lucas mayer , riri is my nickname
hindi ko alam kong bakit ganyan ang binigay na palayaw sa akin ng magulang ko, wala naman syang connect sa name ko dba?

Si mama lang ang nagpalaki sa akin mula bata hanggang paglaki ko , hindi ko alam kong may tatay pa ako, o wala na, simula kasi bata pa ako hindi kuna ito nakilala at nakikita, pag tinanong ko naman si mama, ay palagi nya itong iniiwasan
at papalitann ng iba ang topic.

Kaya simula noon hanggang ngayon ay hindi kuna ito tinanong sa kanya, maghihintay nalang ako ng tamang panahon kung kailan sya handa at sasabihin nya na sa akin.

Alam niyo naman na bakla ako, nong una talaga hindi ako bakla, nong naghigh school na ako non don kuna nalaman na di na pala ako straight, kasi hindi na ako na a attract sa mga babae, ngayon na a attract na ako sa mga lalaki, nakakatawa lang , pero kahit ganto ako, hindi naman sa puntong mag susuot ng mga damit pambabae ,

hindi sa ina ano ko yong mga baklang nag susuot ng mga pambabaeng damit, sadyang hindi lang ako komportable na sumusuot nyan, tsaka minsan napagkamalan nga akong babae dahil sa hitsura ko, yong feature ko kasi ay hindi angkop sa panglalaki, tapos dagdagan mo pa sa hindi maskuladong kong katawan, kaya minsan ay napagkamalan talaga ako.

Okay back na tayo, sa yon nga may nakita naman akong itim na kotse na nakaabang na naman, hindi ko alam kong bakit palagi ko itong nakikita? Siguro nagkataon lang? , Nakita ko din ito sa gilid ng school namin, minsan pag may pupuntahan ako, nakikita ko din ito, kapareha talaga na kotse, feeling ko may sumusnod sa akin, kung saan man ako pupunta, parang ayaw ko nong iniisip ko....

May humintong traysikel sa harap ko, agad naman akong sumakay "kuya sa school po"
Ngumiti naman si kuya sa akin
"Anong year kana hija?" Tanong saakin ni kuya,
Namula ako, napagkamalan na naman ako
"Second year napo" nahihiyang sabi ko

"Ituloy mo iyan hija, wag kang tumtulad ngayon sa mga kabataan" sabi ni kuya"Mga marurupok" sabi uli ni kuya

Natawa ako sa word na marupok

Ay grabe si kuya , marupok agad? Oo nga naman, kadalasan na ngayon ang dali ng mabuntis ng mga kababaihan hayy...
Pero hindi naman lahat..

"Wala pa sa utak ko ang mga ganyang bagay kuya, pamilya ko muna ang uunahin ko"sabi ko

" Ganyan nga hija, mag aral kanang mabuti"sabi ni kuya
Tumango lang ako

"Tsaka kuya hindi po ako babae, lalaki po ako slash lalaking may buntot hehe" sabi ko.

" Ganon ba? Hindi halata, para ka talagang babae hija, hija nalang tawag ko , mas bagay sayo babae" matiim akong tinititigan ni kuya na para bang kinikilatis kong totoo ba ang sinasabi ko.

Nahihiya akong yumuko
At tumango nalang

Agad akong nagbayad ng pera kay kuya ng nasa tapat ng gate na kami , agad akong lumabas at naglalakad na papasok sa loob ng paaralan
Bago pa ako nakapasok sa loob ay nahagit ng mata ko ang itim na naman na kotse,
nagkibit balikat nalang ako at winaksi iyon sa isipan, at nagpatuloy na sa paglalakad papasok.














A/N: Pls vote and comment po Ehehehe selemet mwuah!

You're Mine(BXB)Where stories live. Discover now