LAST CHAPTER

1 0 0
                                    

Lumandas muli ang luha sa pisngi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumandas muli ang luha sa pisngi ko. "Hoy, teka teka naman sandali lang! Bakit hindi mo sinabi agad? Bakit naman gan'yan? Fiore! Kiko!! ang daya naman!!" humahagulgol na sigaw ko.

"H'wag kang umiyak, mananatili ako rito sa tabi mo kahit hindi mo ako nakikita. Babantayan kita. Ang mahalaga ay nalaman mo ang gusto mong malaman. Nandito lang ako lagi" ngumiti siya sa'kin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Noon ko lang naisip na mag-isa na naman ako. Wala na naman akong matatakbuhan sa oras na kailangan ko ng kausap. Humagulgol lang ako at umiyak hanggang sa mapagod at makatulog. Umaasa ako sa pagdilat ko bukas ay makikita ko si Fiore muli.

Nagising ako na walang Fiore pero nasa tabi ko ang librong kagabi ay hawak naming dalawa. Muli ko itong binuksan at binasa ang mga nakapaloob rito.

Sa bandang dulo ay may sulat mula sa aking ama na hindi ko nasilayan ni minsan. Sulat na kagabi ay hindi ko man lang napansin.

Mahal kong Evie,

Anak, sa panahong nakikita mo na ang sulat na ito ay siguradong wala na ang kakayahan mong makakita ng mga bagay na nararapat talagang hindi mo nakikita. Nagagalak ako at isa ka na muling normal na bata. Humihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko. Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko man lang nasilayan ang kagandahan ng batang isinilang na mula sa'kin. Humihingi ako ng tawad dahil may isang buhay na naibuwis para lang sa'min. Anak, mabuhay ka para sa'kin at para kay Fiore. Alam kong nakilala mo na siya at siya ang dahilan kung bakit naging masaya ka. Lagi kaming nakabantay at nasubaybay sa'yo. Maging masaya ka sa buhay.

Nagmamahal,
L.O.

Imbes na lumuha ay ngumiti na akong muli sapagkat kailangan kong magpatuloy sa buhay. Tinago ko ang libro at tumungo sa silid ng aking ina. Nagka-usap kami at noon ko nalaman na si Fiore pala ay anak ng kababata ni Mama kung kaya't iniingatan rin niya ito. Si Fiore ang dahilan kung bakit nagagalit siya dahil isa ito sa naiwang alaala ng dati niyang kaibigan bago pa man ito pumanaw. Hindi na rin tanda ni Mama si Papa simula't simula palang.

Ako lang ang nakakaalala sa Papa ko at sa rule na meron ang mundong ito.

- END -

< plagiarism is a crime >
< picture from pinterest >
< @shronoemi for dedication >

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE RULE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon