CHAPTER IV

2 0 0
                                    

Kitang kita sa larawan na si Fiore ng lalaking iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kitang kita sa larawan na si Fiore ng lalaking iyon. Parehong-pareho sa damit na suot niya ang damit ng nasa litrato marahil paborito niya iyon. Naguguluhan ako. Kung ano ang itsura ni Fiore doon ay halatang hawig pa rin sa ngayon tumanda lang.

Lalo ikinabilis ng tibok ng puso ko ang biglang pagsasalita ni Fiore sa likuran ko, "Anong meron d'ya-". Napatigil sa pagsasalita si Fiore nang makita niya ang larawang hawak ko. Bigla na lamang siyang umalis nang walang sinasabing kung ano man.

Bumukas ang pintuan sa silid ni Mama kung kaya't napatayo ako at nalaglag ang box na nakapatong sa hita ko. Kita ko sa mata ni Mama ang galit sa'kin sa pangingialam ko marahil sa gamit niya.

"Anong ginagawamo rito? Bakit ka nangingialam ha?! Wala kang karapatan na hawakan ang kahit na anong bagay na konektado sa tatay mo dahil wala kang kwentang bata!!" galit na galit na sigaw ni Mama at pahilang kinuha sa kamay ko ang photo album.

"Ma, ano bang nagawa ko? Bakit napakalaki ng galit mo? Wala ba talaga akong ginawang mabuti sa'yo? Diba anak mo 'ko? Ma, bakit? Ang sakit sa dito, ang sakit sakit na!" sagot ko kay Mama habang lumuluha at tinuro ang puso ko.

"Umalis ka na dito, wala kang puwang sa bahay na 'to! Hindi ka nararapat dito. Isa kang malas!" tinulak niya ako palabas ng kanyang silid at isinarado ng padabog ang pintuan nito.

Napaupo na lang ako sa sahig sa labas ng kwarto niya at pinagmasdan ang larawan na naipuslit ko mula sa photo album niya. Ang larawan na kasama si Fiore. Hindi ko alam kung sino siya o kung kaano-ano ko siya at kung mayroon bang koneksyon sa'kin lahat ng bagay.

Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng bahay. Waring nakisabay ang panahon sa nararamdaman ko at umiiyak rin ito. Naguguluhan na ako sa nangyayari kung kaya't patakbo kong nilandas ang kalsada kahit umuulan upang hanapin si Fiore.

Wala akong kaalam-alam kung saan ko sisimulang hanapin si Fiore ngunit bigla na lamang akong dinala ng sarili kong paa sa sementeryo. Nang mga oras na iyon ay kakaunti na lang ang liwanag na galing sa kalangitan dahil dapit-hapon na. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang puntod na may pangalang Fiore Alonso.

Fiore "Kiko" Alonso
Born : June 4, 1992
Died : September 12, 2010

- TBC -

< plagiarism is a crime >
< picture from pinterest >
< @shronoemi for dedication >

THE RULE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon