Chapter 1

13 0 0
                                    



Sinalubong ako ng ilang mga tingin ng makapasok sa locker room. Bakas sa mga mukha nila ang awa at lungkot. Balitang balita sa buong probinsya ang pagkamatay ng mga magulang ko. Hindi ko lang inaakalang pagtitinginan ako ng ganto. May i-ilang pang balak na lumapit pero pinipigilan ng mga kasama. I sighed.


"Rae!"


Nagulat akong napatingin sa tumatakbong si Charity. She's my best friend since elementary at ngayon ay gulat parin ako dahil nilalapitan niya padin ako. I mean alam ng lahat na I'm the loser sister of Ria Villarica. Minsan ay nagugulat pa silang may nakatatandang kapatid pala si Ria.

Nadidismaya rin sila tuwing nalalaman nilang hindi ako katulad ng kapatid ko na fashionista at maraming kaibigan.


Hindi ako kumibo ng lumapit siya. Niyakap niya 'ko at hinalikan sa gilid ng noo. "I'm really sorry, hindi ako nakapunta sa burol ni Tita Ven at Tito Mike. We were in states kase nung nabalitaan namin ang nangyari."


Hindi parin ako kumibo.


"I'm really sorry for your loss, Rae." Aniya at muli akong niyakap.


Tipid ko siyang nginitian. Alam ko namang nasa Cali sila noong bakasyon kaya naiintindihan kong hindi nakapunta no'n si Charity.


"It's okay, Charity."


Mukhang hindi parin siya kumbinsido dahil bakas parin sa mukha niya ang awa at guilt.


"I have something for you. Bumili ako ng mga pasalubong, and I hope you like it." May inilabas siyang paper bag ng louis vuitton sa backpack niya.


Binuksan ko 'yon at tinignan ang laman. Isa 'tong black leather shoulder bag.


"Thank you, I really like it." Bakas sa tono ko ang walang gana.


I really appreciate Charity's gift for me, pero hindi ko alam kung bakit wala akong enerhiya na ipakita 'yon sakanya.


She hugged me again and smiled.


The first and second period was boring dahil puro pakilala lang ang ginawa namin, may iilang diniscuss pero mga pasimula palang ito ng subjects.


Sa pangatlong period ay umupo ako sa pinakadulong parte ng room malapit sa bintana. I just sketched the whole time our professor was discussing. Naagaw lang ng atensyon ko ang biglaang pagbukas ng room.


Lahat ay napatingin do'n pati si Sir Pinral ay napatigil sa kanyang sinasabi.


"Sorry Sir, I'm late."


It was Atlas. He's sweating and currently catching his breath. Pansin ko ring hindi siya nakasuot ng uniporme. He's wearing a long white button-downed shirt and black slacks.

You know how this EndsWhere stories live. Discover now