Chapter 6

4 0 0
                                    


"Raven."


Ilang beses akong nahuling nakatulala at hindi nakakasagot sa iilang tanong ng mga Domeda. Kasalukuyan namin silang kaharap ngayon dahil ipapakilala sa'min ang kanilang mga anak. I can't focus because of what happened earlier. Ilang beses ko ring sinulyapan ang banda ni Atlas at palaging tuwing nagtatama ang mata namin ay iniiwas ko agad ang mga mata ko.


"Uh...s-sorry?"


"What are your plans for college hija?" Kianna Domeda smiled at me even though it's her fifth time asking that question.


Inis na inis na ang mukha sa'kin ni Tita Jenna at kulang nalang ay hilain niya ako palabas doon para lang pagalitan. Bakas na rin sa mukha ni Ria ang magkakaasar saakin dahil kanina pa talaga ako tulala. Kanina pa rin mabilis na kumakalabog ang puso ko at ayaw kumalma.


I bit my lip and closed my eyes to calm my stupid self.


"Business po."


Tumango tango nalang siya at hindi na nagdagdag pa dahil siguro napansin niya ang pagiging balisa ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tanungin niya naman si Ria at nalipat ang tingin nila sakanya.


I am biting my lip and pinching my hands below me. Suminghap ako ng maalala ang sinabi saakin ni Atlas kanina.


"I like you, Rae."


Nanatili ang titig ko sakanya habang nakaawang ang labi ko. I know, but I never expected him to say that in front of my face. I expect Atlas to be more reticent about his feelings. Oo at alam kong gusto niya ako dahil palagi niya akong kinukulit pero hindi ko inaakalang bigla-bigla nalang niya itong sasabihin at ngayon pa talaga!


"I really do..." He said almost whispering.


Napasinghap ako at naramdaman ang paginit ng pisngi ko. Itinago ko ang kaba at tinignan siya ng seryoso sa mata.


I may look stoic and cold on the outside but I'm losing my mind on the inside. I gritted my teeth.


"I know you don't believe me but I want... and I am ready to prove that my feelings are sincere... this is my third time asking you this so I hope you'll let me get to know you better, Rae."


Eyes widened and lips parted. I stared at the sincere-looking expression of Atlas. Halos kumawala ang nagwawala kong puso. I want to run away but I don't want to make a scene. Lalo na't pormal na pormal ang mga tao dito.


"Just one day, Rae. And if you still want me to stop, then I will." He said sounding like a promise.


I licked my lip and slightly pinch my fingers behind me. Hindi ko alam kung bakit parang lahat ng galaw na gagawin ko ay makikita niya.


Bigla kong naalala ang mga balita sakanya sa school at ang bawat linggo niyang pagpapalit ng mga babae. Images of girls he dated flashed into my mind. They looked so different from me, most of them are popular and pretty.

You know how this EndsWhere stories live. Discover now