P A T R I C K
Padabog akong naupo at pinagkrus ang braso habang masama ang tingin sa taong nasa harapan ko na sarap na sarap sa pagkain ng spanish bread.
Nang-aasar. Nananadya.
Ngumisi pa siya at inalok pa ako kaya mas lalo lang sumama ang tingin ko sa kanya na kinahalakhak niya kaya halos mabulunan siya.
“Tubig!”
“Igib ka.”
Sarkistong sagot ko at ngumisi rin.
Kaagad na may nag abot sa kanya ng tubig at sinamaan pa ako ng tingin bago bumalik sa lamesa nila.
Humalakhak ulit si Yvan habang pinupunasan ang bibig. Sinimangutan ko na lang at nagtingin kung anong pwedeng kainin maliban sa spanish bread.
“So how's life?” tanong niya sa malalim na boses at pinagkrus din ang braso.
“Tapos mo na akong tawanan?” sarkistong tanong ko at nasa menu pa rin ang tingin.
“Stop being cute.”
Hinampas ko na sa kanya ang menu kaya humalakhak na naman siya. Agad akong napatingin sa paligid dahil ramdam ko ang masasama nilang titig sa akin.
“Stop calling me cute in public and you should be the one who need to stop acting cute in public!” pabulong pero galit kong saad sa kanya pero pinagkibit niya lang ng balikat.
Agaw atensyon kahit sobrang simple lang ng suot.
“Kumusta naman ang kaibigan kong muntikan ng magpasakop sa espanyol?” tanong niya at pinagtaasan ako ng kilay.
“Kumusta naman kaya ang kaibigan kong gwapong gwapo sa sarili pero wala namang girlfriend? Torpe pa rin?” tanong ko rin pabalik kaya umiling na lang siya at tinanong kung anong gusto kong kainin at siya na ang nag order para sa akin.
Pagbalik niya ay nagsalita na ulit siya.
“May ipapakilala ako sa’yo.”
“Not interested.”
“Para maka-move on ka sa spanish bread na yun.”
“Makakamove-on ako. Hindi ko kailangan ng iba.”
“Bakit ka nga pala ulit magmomove-on?”
Itinuro ko sa kanya ang tinidor na hawak kaya natawa ulit siya.
“Hindi ka na mabiro e no? Napapala ng mga nagseseryoso tapos wala namang napala sa dulo.”
“Shut the fuck up, Yvan.”
Nanahimik nga siya at hinayaan akong kumain ng matiwasay, ni hindi niya ginalaw ang pagkain niya.
“What if—”
Mariin ang tingin niya sa akin at hindi ipinagpatuloy ang gustong sabihin kaya napatitig din ako at hinihintay ang sasabihin niya.
“What?”
Bumuntong hininga na lang siya at umiling. Malayo na ang tingin niya kaya marahan kong sinampal ang pisngi niya para makuha ang atensyon.
“Bibigyan mo pa ako ng anxiety kakaisip kung ano yung gusto mong sabihin. Ano ba yun?” tanong ko pero umiling lang siya.
“Wala naman.”
“Hindi ako naniniwala.”
“Then don't.”
“Attitude ka boi?”
Umiling lang siya at bumalik na naman sa malalim niyang pag-iisip kaya hanggang matapos ako sa pagkain ay hindi pa rin siya nagsasalita ulit.
Naglakad na kami palabas. Nasa likod ko siya kaya taka ko siyang nilingon at huminto sa paglalakad.
Nakatingin lang siya sa akin at sa ilang segundong katahimikan ay nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan ko.
“Pat,” pagtawag niya sa gitna ng katahimikan sa pagitan namin.
“Hmmn.”
“What if—”
Huminto na naman siya pero sa pagkakataon na ‘to lang ako nakaramdam ng kaba sa kasunod na sasabihin niya.
“What if I am in love with you?”
Mas lalo lang akong nabingi sa katahimikan. He is what? In love? With me?
“Gago ka ba?”
Marahan siyang tumawa at agad akong nilapitan para batukan.
“Just kidding!”
Inakbayan pa niya ako at inakay na para maglakad ulit.
“Let’s make a deal.”
“What the hell do you want?”
“Just a deal between us.”
“What deal?”
“Let’s not fall in love.”
Let's not fall in love to other people or to each other? Which one?
Hindi ako nakasagot at hindi naman siya nagsalita pa ulit.