Y V A N
Nakagat ko na lang ang labi para mapigilan ang sarili sa mga maaaring masabi sa kanya. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag at agad akong lumabas para sagutin ito.
Kailangan ko na bumalik ng manila ngayon para matignan ang site. Wala naman akong trabaho ngayon pero gusto ni Heidrine na tignan ko ang proyekto niya at kunin ang opinyon ko.
“Ryv.” pagtawag ko sa kapatid na tahimik na nakaupo habang ang kasama niya ay abala sa pagcecellphone.
Pinagkunutan ko siya ng noo at tanging kibit na lang ng balikat ang naitugon niya at bumuntong hininga.
“Kailangan ko na bumalik sa manila. Ihahatid ko na sila pabalik sa kanila para hindi na sila gabihin.” saad ko.
“Ngayon na agad?” takang tanong ni Ryv at tumayo. Nakuha ko rin ang atensyon ni Riannon.
“Heidrine needs me.”
“He always need you.” sarkistong sagot ni Ryv at sumimangot.
“Such a needy person.” mahinang sambit ni Ryv at sakto lang para marinig din namin kaya napatingin ako kay Riannon na nasa akin ang tingin at nakataas ang kilay pero agad ding ngumiti at tumingin na ulit sa cellphone niya.
“Ryv.” pagtawag ko sa kapatid at binabantaan na at baka may masabi siya. Sinimangutan niya lang ako kaya inilingan ko na lang.
Pinuntahan ko pa sa kwarto ang lola namin para makapagpaalam bago puntahan si Pat.
Natagalan ako kaya naman pagbalik ko ay halos tapos na siya sa hugasin. Nakakahiya.
“Pat,” pagtawag ko at nakita ko pa ang bahagyang pagtalon niya sa gulat dahil sa pagtawag ko.
“I need to go back to manila. Leave that to Ryv. Ihahatid ko na kayo ni Riannon.” sambit ko.
Tumango lang siya at nagpunas nang kamay at sabay na kaming lumabas. Nauna na akong lumabas para painitin ang sasakyan. Hindi ko naman na kailangan magdala ng gamit kailangan ko lang bumayahe pabalik.
Simangot pa rin si Ryv habang nag-uusap sila palabas ni Pat. Tipid akong ngumiti ng mapagtantong naging hadlang pa ako para makausap niya si Riannon.
“Salamat ulit sa pag-imbita. Sa uulitin.” paalam ni Pat at tanging tango lang ang ginawa ni Riannon sa kapatid ko kaya pinigilan ko ang tawa.
“Ingat sa pag-uwi. Ingat sa byahe kuya.” saad ni Ryv kaya pinagbuksan ko na sila para makapasok na sa loob at makaalis na kami.
Pagkasarado ko pa lang sa pintuan ng sasakyan ay nakakrus na ang braso at mas lalong sumimangot si Ryv sa akin.
“Pwede ko naman sila ihatid pauwi kuya.”
“Doon din naman ang daan ko at saka walang kasama si Lola. ‘Wag kang mag-alala iuuwi ko sila ng ligtas.” natatawang sambit ko para asarin ang kapatid.
“Just make sure. Alright. Ingat kayo sa byahe. Dalian mo, hinihintay ka na ni Heidrine.” mariin niyang banggit sa pangalan ng kasamahan ko sa trabaho kaya natawa na lang ako at tinapik na siya sa balikat at umikot para makasakay na.
Bumusina muna ako bago tuluyang umalis. Pareho silang tahimik sa likod at nakatingin lang sa labas kaya hindi na ako nag-abala pang magsalita.
Malapit lang naman ang pagitan ng bahay namin mula sa bahay nila kaya hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa kanila.
“Salamat sa paghatid, kuya. Ingat ka sa byahe mo.” sambit ni Pat kaya ngumiti na lang ako. Nagpasalamat din si Riannon at sabay din silang lumabas ng sasakyan.