Kabanata 7: His thoughts.

86 0 0
                                    

Hello! :)) Padami na ng padami ung reads. Hay. Sana madagdagan pa!  Help naman po. Thankyou. :)

COMMENT AND VOTE PO. :))) 

Sabelle ----------->  

-------------

Sander's POV 

Sorry na lang ang huling nasabi ko kay Sabelle. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Ang gago ko lang. Ba't ganto ba ang tadhana? Sobrang mapaglaro. Pero bakit kase kami pa? Sila pa? 

Sila pa na MAGKAPATID? 

Magkapatid ba talaga sila? Masyado kase kaming nag padala sa emosyon namin ni Sabelle. Hindi naman ako mag kakaganito kung walang nangyare samin ni Sab ee.

Kaya pala ang dami nilang pictures ni Eunice dahil magkapatid sila. Pero sana hindi. Sana mali ako. Sana hindi tama ang hinala ko. Sana. Pero na bumalik naman ako sa pag iisip nang biglang may tumawag sakin. 

"Mr. Buenaventura!" huh? Si Ma'am Gonzales. Nasa school ako ngayon. Pumasok ako. Kailangan ee. Dahil ako ang nag iisang lalaki samin, ako ang mag mamana ng kompanya. Ako na ang susunod na mag papatakbo nito. Kaya kahit dalawa na lang ang subj. ko ngayon pumasok paren ako.

"You're mentaly absent again?" tanong ni Ma'am.

"No, Ma'am. I'm sorry."  mentaly absent talaga ako. 

"Babae ba?" napalingon naman ako sa taong nag salita. Si Angelo. Barkada ko yan. Lima kase kaming mag babarkada. Highschool palang kami sila na ang mga taong nakakaintindi sa kalokohan at katangahan ko sa love. Lagi naman. Ako, si Angelo,  Lucho, Dennis, at Ynyaki. 

"Parang ganun na nga" Maikli kong sagot at sumandal na lang. Hindi ko siya nilingon. Hindi rin naman siya lumingon.

"Alam mo, kung may mga katanungan ka sa isip mo. Puntahan mo siya't kausapin mo." diretsong sabi niya ng hindi ako nililingon.

"Huh?" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Mr. Subrevega and Mr. Buenaventura!" nakakadalawa na ko kay Ma'am ha! Nakakaasar naman boses nito.

*RING*RING*

Bigla namang nag ring ung bell. Dire diretsong lumabas si Angelo. Hindi ko na siya natanong tungkol sa sinabi niya kanina. Pero pano ko magagawa un kung takot akong malaman ang katotohanan? Kailangan ko siyang kausapin at hingan ng payo. Takot ako pagdating sa mga gantong sitwasyon.

Hinanap ko naman kaagad si Angelo. Para akong tanga ditong natakbo at palingon lingon sa paligid ko.

Takbo, lingon.

Takbo, lingon.

Takbo, lingon.

Takbo, lingon.

AYUN!

Nasa field siya. Nakaupo at parang malalim ang iniisip.

Nilapitan ko siya at tinabihan.

"Tol" sabay tapik saknya sa balikat.

"Mukhang ang lalim ng iniisip ah." tralala nanaman ee. Tulala at nakatitig sa kawalan.

"Dude, I'm not in the mood." cold niya sabi.

"Sorry, but I just wanna ask you about awhile ago." di na ako nag dalawang isip na tanungin siya.

"What about it?" -Angelo.

"Should I ask her?" tanong ko sakanya.

"Yes."-Angelo

"I'm sc--" naputol naman ang pag sasalita ko ng...

"You're scared? Hindi mo kailangang matakot. " -Angelo.

"Bu--" -ako

"Siya lang ang makakasagot diyan sa mga tanong mo." -Angelo

"Kung takot ka isa lang ang ibig sabihin niyan. Takot kang malaman ang totoo. Pero hindi yan ang dapat na mangibabaw sayo." pagpapatuloy niya.

"Dahil ang katotoohan parin ang magtatanggal ng takot na nararamdaman mo ngayon." yan ang huli niyang sinabi at umalis na. Naiwan naman akong nakanganga rito. 

**

Nag lalakad ako ngayon papuntang parking lot. Nagdadalawang isip parin ako sa mga sinabi ni Angelo. Ang hirap talaga ng ganito. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba siya o hindi ee. Pero paano nga naman malalaman ang katotoohanan kung hindi ko tataningin. 

Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Bakit ba kasi ang duwag ko pag dating sa mga ganito ee! 

Pero bago ako pumunta sa condo niya. Umuwi muna ako. Hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung paano ko 'to itatanong sakanya. 

Kung paano ko ipaliliwanag ang basta bastang pag halik at pag alis sa unit niya.  

Kung paano ko sasabihin sakanya na may nakaraan kami ng kapatid niya. 

Kung paano ko siya mapaniniwala na hindi ko alam ang tungkol sakanila ni Eunice. 

Paano?

Paano nga ba? 

**

Nagdadrive na ako papunta sa unit niya. Makapag practice na nga lang. 

" 'Sabelle, I'm sorry. I didn't know~' ayyyyyy! Iba na lang iba." kausap ko sarili ko. Baliw lang. Practice nga kase diba?

Teka, take two! 

" 'Sabelle, I understand if you're mad at me for leaving just like an idiot~' Putcha! Hindi! Hindi!"

Take three. 

" 'Sabelle, she's you sister right? I'm sorry coz I didn't know~' Tangna! Ang hirap naman ee" 

Muntik naman akong lumampas sa sobrang kakaisip at kakapractice. 

Okay na kaya un? Nahihirapan naman ako lalo nito ee. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Baka naman mapahiya ako sakanya. Sana naman hindi. 

**

Nasa loob na ako ng elevator. Iniintay ko na lang na bumukas ito. Nasa 9th floor pa kase ang unit niya. Kahit hanggang dito sa elevator nag papractice ako. Para na akong tanga na kausap ang sarili ko. 

"Hmm. Sabelle, I know this is weird but I'm sorry~" Sabi ko sa sarili ko. 

Hindi ko na napansin na may kasabay na pala ako dito sa elevator. 

"Hmmm. Practicing for her?" sabi nung lalake na kasabay ko.

Usi naman to!

"Yes." maikli kong sabi. 

"Goodluck, man!" sabay tapik sa balikat ko. Eksakto namang bumukas at bumaba siya sa 7th floor. Eksena niya. Istorbo sa pag papratice ko. 

**

Nag lalakad na ako papunta sa unit niya. Nag sasalita parin akong mag isa. Partida, may mga hand movements pa yan. 

Onting lakad na lang meaning onting practice na lang at makakaharap ko na siya.

Para naman akong sumali sa contest nito at nag iintay mai-announce ung mananalo sa sobrang kaba ko ee. 

*Knock*Knock*

Intay lang, Sander. Wag kang mataranta diyan. 

Para kase anong tanga dito na nag lalakad patalikod sa pintuan ng unit niya. 

"Sander?" napaharap naman ako nung narinig ko siya at pinag buksan na rin ako ng pintuan.

Kabado. -.-'' 

-------------

[a/n: Hihi. Pasensya na.xD Comment at vote po ha. Kayo po ang maging judge ng story ko. Para po ma inspire na rin ako. :))]

As They Both Took The Risk.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon