Dumating na naman ang araw na kinatatakutan mo. Tipong hindi ka makatulog sa lungkot at unti unting lumalabas ang mababaw mong luha. Hindi ko akalain na dadating ang araw na mangyayari ulit ito. Ginawang bato ang sarili upang makaiwas sa sakit pero unti unti natitibag ito. Gumuguho na tila ba nasisira ang depensa sa bawat salitang masasakit na iyong binibigkas.
Pagkakamali ang lagi mong tinitignan. Oo lagi niyang kasalanan pero sapat ba iyon upang ikaw ay makasakit ng damdamin dahil sa iyong salita.
Ang dating natutulog na ngayon ay gising na tila ba tinatanong ang kanyang sarili kung bakit hindi ito makatulog. Hinahanap kung anong mali na tila ba nasa kisame ang sagot.