Kapag nasaktan ka na ng maraming tao nakakatakot na sumugal. Kapag nagmahal ka natatakot ka na one day magsasawa na siya sayo at iiwan ka ulit. Ang hirap nung magsisimula ka na naman magpapakilala sa iba kung anong nangyari sa buhay mo. Nakakasawa paulit ulit ipakilala yung buhay mo sa ibang tao kasi lagi ka na kang iniiwan.
Ngayon kung kelan may nagmamahal sayo nasasaktan mo naman dahil sa trauma mo. I realized na nagagawa ko na pala yung mga bagay na ginawa sakin ng mga taong nanakit sakin. Kaya ang ending malapit na siyang sumuko.
Kung gusto mong sumaya wag mong isama yung past mo sa future mo para hindi gumulo yung buhay mo kasama yung taong nagmamahal sayo ng totoo.