GANDANG TAGLAY

23 4 0
                                    


                                      "And the winner is... Ms, Philippines! " Biglang nagsigawan ang lahat ng tao sa karinderya ng nanay, lahat ng bakla nagtitili na akala mo sila ang nasa kalagayan ng babae sa TV. Nakakatawa pa nga nagsasabunutan sila dahil sa ligaya na nararamdaman nila.


"OY ANG IINGAY NYO, MGA BAKLA!" sigaw naman ng mga naglalasingan sa gilid. Tatawa tawa pa sila dahil sa pinakitang pagliligalig ng mga bakla, pero mas nakakatuwa kasi dito na muli nanaman nanalo ang bansa namin. Kakaiba talaga ang GANDANG TAGLAY ng mga babae dito sa pilipinas. Kaya kahit ako, bilang isang lalake . mas pipiliin ko pa mag-asawa ng babaeng pilipina kaysa sa ibang lahi na di ko naman kababayan.

"garry, ibigay mo ito sa customer na iyon" sabay turo ni inay sa table na kung saan kinauupan ng crush ko. Nung una di ko napansin ito pero ng muli ko titigan ang babaeng naroroon. dun ko napagtanto na si elyn nga pala iyon, Bat di ko sya napansin ?


Sa ganda ng mukha nito, mahahabang pikit mata, matatangos na ilong at kapansin pansin ang labi nitong manipis . makinis na balat at kitang kita ang hubog ang katawan nito. grabe ganda talaga nya! hays! 


"oy garry! Ika'y natutulala nanaman. Ibigay mo na ito" palo ni nanay sa aking braso na nagdala ito ng hapdi sa braso ko, si nanay talaga! di na ko nagayos-ayos diretsong kuha ng tray ng pagkain at pinadala kay elyn. Paglapit ko, sumalubong na kaagad sakin ang matatamis nyang ngiti , nakakatunaw sa aking puso. Grabe talaga ang ganda nya!


"Salamat" sabi ng maninipis nyang labi. Ngumiti nalang ako sa kanya pagkatapos umalis na ko kaagad sa kanya. Di ko kasi alam , natataranta ako. Parang nauubusan ako ng boses kapag kinausap ko pa sya, sobrang lakas talaga ng puso ko kapag nasa tabi ko na sya.


                    Maya maya lamang , lumapit sya sa counter namin at binigay nya ang bayad nya. Sumiple naman akong hinawakan ang kamay nya at tsaka kunin ang sukli. Natatawa naman ako dahil sa gantong bagay nalang ako nakakadiskarte sa kanya. Buti na lamang di sya umaangal. Pagkaalis nya , nagsalita si inay "di ka ba natatakot sa babae na yan? Walang magulang, walang nakakakilala sa kanya dito sa baryo natin, palagi pang gabi kung umaalis" Ito nanaman si nanay , iniisip nanaman nya ng kababalaghan itong crush ko . "nay aswang nanaman ang nasa isipan mo. Di ka ba nagsasawa dyan sa paghihinala nyo?"


"nagsasabi lamang ako. Magiingat ka.. di lahat ng may ganda ay may mabuting kalooban. Di lahat ng tahimik ay ligtas . kung minsan sila pa ang mabagsik" di ko nalang pinansin si inay, totoo naman ang sinabi nya pero di kasi nagbabago ang tingin ko sa dalaga. Kaya alam ko na Mabuti tong tao si elyn . di nga lang ako ang may gusto sa kanya e buong baryo kung tutuusin dahil sa kagandahan talaga nito. Sana nga mapansin nya ko kahit ganto lang ako.

Ilang oras, isasara na namin ang aming karinderya na may dumating na mga pulis. Natakot naman kami dahil mukang may natagpuan nanaman na patay saamin, kadalasan na kasi ang pagpatay na batang babae o dalagang babae dito sa amin--- "ale, sarado na ba kayo ? gutom na kasi kami. Baka pwede nyo po kami pakainin kahit konti" naudlot ang aming pagsasara , dahil sa request na iyon. Kaya hinayaan namin sila pumasok sa loob at hinandaan sila ng makakain .

Habang dinadalhan sila ng makakain , di na nakatiis si inay na magtanong "ano po ba ang nanyare? Bat dumalo pa po kayo sa baryo namin ng gantong oras?"



"salamat nay, well may natagpuan nanaman kaming babaeng patay sa tandang street, tuyo na tuyo at wala nang dugo pagkatapos yung mata wala na din. Grabe!! Napakaganda pa namang bata nun balita ko" sa gantong usapin nasanay sila pagusapan yan habang kumakain. Tipong normal na lamang ang ganung panyayare sa kanila, dahil dun biglang bumaliktad ang aking sikmura kaya dali dali akong tumakbo sa c.r para isuka ang kinain ko kanina.

"ay ... sumuka ba sya? Pasensya na po" sabi ng pulis

"hindi, ok lang yan. Ganyan talaga yan" huling narinig kong paguusap nila, di ko kasi gusto ang mga ganyang usapin. Kita mo nga naman, tama pa ang hinala ko. Kung tutuusin di lang sa baryo namin e. kung saan saan din , nagugulat nalang kami na naibabalita yun sa tabing baryo namin o sa tabing baryo pa nun. At ayon pa sa balita lagi ang target nito batang bata na babae. Dati naman , nahuhuli ng pulis yung mga rapist pero sa mga gantong senaryo? Parang di na kasi talaga tao ang gagawa pero di naman kasi makatotohanan yung mga bagay na iyon. Sana nalang, kung sino yun! Makonsensya sya! 



GANDANG TAGLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon