GANDANG TAGLAY

21 4 0
                                    




                           Bago ako pumunta sa sinasabi ng ka-kumpare ko, pinuntahan ko mag-ina ko. Pagpasok ko, agad ako niyakap ng mag-ina ko, di ko alam kung saan ako lulugar , dahil nanatili padin ang takot ko sa kanila pero yung pagmamahal ko di nagbabago. Kaya imbis na layuan ko sila , niyakap ko sila ng mahigpit . ililigtas ko kayo, ililigtas ko kayo. Sabi ko sa isipan ko.

"san ka ba kasi galing? Sobrang nag-aalala kami sayo!"

"papa wag ka ng umalis"

Sana nga .. sana nga okay lang sila. Hinawakan ko yung 4 na buwan na pagbubuntis ni elyn. "sorry.. may importante pa kong lakad ngayon pero pangako, di ko na uulitin iyon, di ko na kayo iiwan" Nagpumilit sila na manitili ako sa bahay , dahil takot na takot daw sila na mawala ako. sa isip isip ko, mas natatakot nga ako sa kanila kaya kahit gusto kong komprontahin si elyn. di ko talaga magawa dahil sa nararamdaman ko.  pumunta ako, dahil gusto ko sila makita kung ano naging kalagayan nila. dahil umaga naman na , wala naman ng kababalaghan na manyayare pa. pero para matapos na tong bagay na ito , kailangan kong umalis. 

Wala sila magawa kaya pinabayaan na nila ako umalis, kailangan ko talaga puntahan iyon dahil iyon ang  makakatulong saamin. kaysa sa komprontahin ko si elyn, ito nalang ang paraan na gagawin ko. 


 Ilang oras, nakapunta na kami duon , agad na ipinakilala saakin si manong Roberto na isang albularyo. Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng pangyayari , nagulat ako na kahit itong kumpare ko nasaksihan nya rin ang kaweirduhan ng asawa ko. di nya lang akalain na pati anak ko ganun din ginagawa.

Di na nagpatumpik tumpik pa si manong roberto na magsimula na sya sa orasyon nya para sa pagtingin ng kalagayan ng asawa ko. Gamit na kandila at sa tubig na may langis kasama ang paboritong damit ng asawa ko. Nagkaroon ng isang imahe sa tubig  na di naging malinaw sa akin. Pero bakas sa mukha nya, ang takot na ekspresyon nya. tagatak ang pawis at di nya mapaliwanag ang nais nyang sabihin . kaya tumayo muna sya para uminom ng tubig pagkatapos muli syang baling saakin."sabi mo na parang na-engkanto ang mag-ina mo, diba ? " sabi nya na di mapalagay.

"opo , pakiramdam ko po kasi talaga naengkanto kasi sila." Tumunga-tunga si Roberto sa sagot ko hanggang sa magtaka ako na  inutusan nya ang kumpare ko  na lumabas muna dahil mayroon daw syang sasabihin sa aking importante. Nung una , ayaw nito pero ilang saglit lang sumunod din ito.

"ito, seryosong usapan hijo, hindi naengkanto ang mag-ina mo..." kabang kaba na ako sa resulta, ayoko sana magisip pa pero kailangan ko na talaga malaman ang kasagutan.  

"eh ano po? Ano po nanyare sa kanila? Bakit po naging ganun?"





Pagkalabas ko sa bahay ni mang Roberto, bigla ako nilapitan ng kumpare ko para kamustahin ako. gusto ko man i-kwento pero nawalan ako ng gana sa nalaman ko. nanlumo, nanghina ,namuo ang inis o galit sa puso ko. Ngayon, tila bang, ilang oras lang bumabaliktad na ang sikmura ko. nakakasuka , nakakadiri PWE! Kaya pala ito binubugbog dahil manloloko pala itong babae na ito. Simula nun, pag-kauwi na pagkauwi ko. nakaramdam na sya ng panlalamig sa akin. agad ako kumuha ng pera at sabay layas ka agad 


"GARRY SAN KA PUPUNTA!!" wala akong pinaalam sa kanya, di ko sya pinansin . PAKE KO BA , eh niloko nya nga ako. 

GANDANG TAGLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon