"Happy bday glary " bati namin mag-asawa sa 3 years old naming anak , "ihipan mo na ang kandila anak" sabi ni elyn . nakangiti naman na sinunod ni glary ang utos ni elyn, pagkatapos ihipan ang candle sa cake sabay kami napa"yehhey" ni elyn kasama ng palakpak. Sobrang, saya namin magkapamilya. Tipong wala na kaming hinahanap pa . yung mga kababalaghan na napapansin ko sa asawa ko, di ko nalang pinapansin iyon. Tama nga lang na namamalik-mata ako sa sobrang pagod lang talaga.
"teka lang may supresa ako sainyo" sabi nya na bigla syang tumayo tapos pumunta sya sa kusina. Nagkatinginan naman kami ni glary na may pagtataka . hanggang sa pagbalik nya may isang cake nanaman syang nilabas. "ma, cake nanaman?" "oo nga gastos yan ah".
Ngumiti lang sya, "pera lang yan may mas mahalaga dyan, kaya pakibuksan pls?" muli kami nagkatitigan ni glary, tapos sinunod namin ang utos nya at sabay namin binuksan ang kahon. nagulat ako sa nabasa ko. sa sobrang tuwa nga ay napabasa ako ng malakas na parang bata.
" 1 month pregnant si mama , congrats saatin" nanlaki ang mata ko. Totoo ba to? TOTOONG AMA NA KO?
"YEHHEYYY!!!" sigaw ni glary na sabay kami yumakap sa kanya ng mahigpit. Di napigilan ang sarili ko na mapaluha dahil tagal kong inantay ito na maging ganap na isang tunay na ama kahit ba na anak ko narin si glary pero, iba pa din kapag sariling dugo.
Dahil doon, iningatan ko na maigi si elyn, di ko sya pinapagod. Ni paghuhugas , pagwalis pinipigilan ko sya. Syempre anak ko dala nya ayoko mapahamak yan. Subalit, may kakaiba sa kanya habang tumatagal.
"Papa..." tawag ni glary na makita ko syang nakasilip sya sa bintana ng kusina. Paglapit ko sa kanya , Heto nanaman sya, ang asawa ko na nakatingala nanaman sa puno . Yung dati na minsan-minsanan nya lang gawin na naging araw araw na nya ito ginagawa, kumabaga para na nyang habit kung tawagin. Napabugtong hininga nalang ako , tapos pinuntahan ko sya. Simula nanyare yung unang saksi ko sa kanya na nakatingala sya sa puno, di na ko tumingin dun.Ginagawa ko para maiwasan ko yung ganung eksena, Agad ko nalang syang hinihila para ialis sya sa puno na iyon.
Bukod dito yung bagay nya sa leeg nya, "wag mong hawakan!" sigaw nya sakin habang pasimple kong haplusin ang leeg nya. Nakakaagaw pansin kasi lalo na malalaking ugat at kulubot na kulubot ang balat nya. Para bang lantay na dahon sa sobrang walang buhay. Kinausap ko sya tungkol dito para ipadoctor pero tumanggi sya, nagmakaawa pa nga sya na wag sabihin sa doctor . wala naman ako magawa kundi manahimik at sundin ang gusto nya.
Isang gabi, habang mahimbing tulog ko, napamulat nalang ako na makapa ko Na wala ang mag-ina ko. Nasaan sila ? kapa ako ng kapa sa kama wala talaga sila. Kinabahan naman ako , tumayo at hinanap kung saan saan hanggang sa mapunta ako sa kusina, napasilip sa bintana at nagulat ako nandun nanaman sa puno ang dalawa kong mag-ina. Nakatingala at nakatayo. Sa sobrang inis ko , pinuntahan ko sila.
"ELYN! GLARYY!" sigaw ko , aba! talagang di pa ko pinakinggan, tumakbo ako papunta sa kanila paghawak ko sa mga balikat nila para humarap saakin.
Bumalik ang senaryo na mapahiga ako sa lupa dahil sa talon ng puso ko. Nakakatakot na mga mata na Nawala ang itim na bilog , humaba ang bibig dahil sa sobrang lakas ng sigaw nila kasabay pa ang mga ibon na nagsiliparan at malakas na hangin na parang ipo ipo sa lakas! Wala ako nagawa kundi tumakbo papunta sa mga kapit bahay, dahil sa ingay ko nilabasan ako ng kakilala ko. Hingal na hingal ako pero nanaig ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Pilit nila ako tinatanong kung ano ba nanyare saakin pero di ko masabi dahil parang naubusan ako ng boses , buong katawan ko nanginginig , kahit ba yakapin ko sarili ko di tumitigil ang nginig ng katawan ko. Pinainom ako ng tubig, para makakalma ako pero kahit yung ganung bagay di parin tumatahimik ang takot sa katawan ko.
"gusto mo ba matulog dito?" umoo kaagad ako. di kasi kaya ng katawan ko tumayo pa dahil higit nga sa nginig, hinang hina pa ako. binigyan na nila ako ng kumot at unan . bumalik na ang kumpare ko sa loob tapos ako nasa baba. nakatitig padin sa pader. Naiiyak na ko sa nanyayare sa asawa ko, di talaga ako makatulog. Kahit ba na ganun ang sitwasyon nag-aalala pa din ako sa kanila dahil nga buntis si elyn, bata pa si glary . wala pa ako sa tabi nila baka matuluyan na sila kainin ng engkantong puno na yon—psst napahinto ako sa muni muni na may sumisitsit sa akin. Ito nanaman, ayoko na pls lang.
"psst.." maawa na kayo, ayoko na magisip ng kung ano ano.
"papa.."
"Glary!! " di na ko makatiis, pagbangon ko sakto nasa tabi ako ng pinto at bintana. di pa ko nakakalingon na may nakapasok na kamay sa bintana at sinakal ako. habang bumubulong pa na "mamatay ka na..mamatay ka na HAHAHAHA" pinipigilan ko ang kamay na iyon, pero napakalakas ng nilalang na ito , manipis o maliit lang naman ang kamay nya pero para syang malaking tao o parang DI TAO SA SOBRANG LAKAS nya. tumitirik na ang mata ko dahil sa di ako makahinga, pinilit ko sumilip sa kanya, hanggang sa makita ko ang babaeng sumasakal sa akin. di ko mailarawan dahil iba ang takbo ang utak ko ngayon, ang kailangan ko ay makawala sa sakal na ito. sa natitira kong lakas, malakas kong hinampas ang kamay ko sa bintana .
"PARE—PAREE" pilit gising ng kumpare ko saakin. agad ako napabangon, hingal na hingal , tinignan ko ang braso ko. buo padin pa naman sya , hinawakan ko naman ang leeg ko , normal naman sya. panaginip? hindi---- bangungot ito, tama isang bangungot ..
"oh inom ka muna ng tubig" dali naman nya binigay ang tubig sa akin at agad ko ininom iyon.
"pare okay lang ba na putulin natin yung puno dun saamin?" pagkatapos seryoso ko syang kinausap. napakunoot sya ng noo saakin.
"bakit?"
"hirap na hirap na ko pre, dahil sa puno na yun, naengkanto na buong pamilya ko, pare buntis si elyn baka ano pa manyare sa kanya." bakas sa muka nya ang gulo nya sa mga sinasabi ko pero ikinalma nya muna ang sarili nya tsaka sya nagsalita. "parekoy, unang una mahirap yang binabalak mo na putulin ang puno, yung iniisip mo na di makatotohanan ay posibleng nanyayare yun. Mahirap yun baka mamatay tayong lahat"
"ano bang pwede kong gawin kung bawal yon putulin? Ayokong gawing katatawanan ang pamilya ko dahil sa mga nasaksikhan ko pero totoo kasi , gusto ko na to matapos" bakas sa muka nya ang awa saakin. kahit ba naguguluhan sya sa sinasabi ko, mukang naiintindihan nya ang pinupunto ko. bumugtong hininga sya bago sya magsalita sa akin.
"di kita matutulungan nyan, pero dadalhin kita sa taong makakatulong sayo"