Lumipas ang mga araw , nagulat ako sa nabalitaan ko, may kasinatahan na ang taong gusto ko. Triple kill pa na malaman ko na nagdadalang tao ito. Nalungkot ako sa nalaman ko. Syempre! sino ba naman di masasaktan sa malalaman mo na may ibang mahal na yung taong gusto mo? Di ka ba masasaktan?
Dahil dun , di na ko naging palangiti sa kanya yung kumakain sya sa karinderya , ni di ko sya pinapansin kahit kinakausap nya ko. Damay pa lahat ng tao sa paligid ko syempre maliban kay inay. Pero alam nya iyon na nasasaktan ako sa nalaman ko kaya nagulat ako na may pinakilala syang dalaga sa akin, Si Odette .
Kakabata ko noon na dalaga na rin ngayon, kasing edad ko kung tutuusin. Bulong ni mama sakin , gusto daw ako nito noong mga bata pa kami na hanggang ngayon daw napapansin nya na di parin nawawala ang nais sakin ng dalaga. Papatulan ko ba ? di ba masama yun ? gagamit ka ng tao para palitan ang sakit nararamdaman mo ?
Pero, makalipas ng dalawang buwan e—naging maganda naman ang pakikisama nya sakin . yung gusto ko kay elyn ay Nawala nalang din , yung atensyon ko sa kanya natungo nalang kay Odette. Kaya , dahil mahal naman namin ang isat isa . tuluyan ko inamin ang nararamdaman ko sa kanya. Swerte ko nga , mahal nya din ako kaya naging magkasintahan na kami. Kaya, bumalik ang dating ako , maliban sa pagmamahal ko kay elyn.
Hanggang isang araw , bumalik sya sa karinderya medyo Malaki na ang tsan nya subalit ang kanyang ganda ay Nawala. Nakakagulat na napalitan ito ng mga pasa. Ano nanyare sa kanya ?
Dahil wala naman na ko naramdaman sa kanya at may kasintahan na ko. Ito yung unang pagkakataon na kinausap ko sya "ano nanyare sayo? " tumingala sya sakin. Nagkatitigan kami, yung mga mata nya sobrang lungkot para bang humihingi itong tulong pero Nawala iyon na palitan nya ito ng paglapad ng ngiti. Di ko alam , pero lumambot ang puso ko sa ngiti nya. Awa ba ito?
"Wala, Salamat ah" sagot nya pa. di na ko nagtanong pa , umalis nalang ako at bumalik sa counter. Ilang oras lang , pumunta sya sa harap ko para magbayad. Pero pinigilan ko iyon "wag na, ako na magbabayad" sabi ko sa kanya , kitang kita ko na nag-iba ang ekpresyon ng muka nya, para bang pinipilitan nya na di umiyak sa harapan ko. Pero muli nalang sya ngumiti at nagpasalamat sa akin pagkatapos nun tuluyan nalang sya umalis.
Pagka-alis bigla, nagkwento ang isa sa mga customer namin na isa itong tanod sa barangay. Ayon dito, si elyn daw ay may naging asawa. sa kasamaang palad binubugbog daw sya nito at ayaw syang panagutan . ipapakulong daw sana nila pero pinigilan daw ni elyn. Awang awa daw sila dito dahil buntis nga ito di na nakakalaban hanggang isang araw nalaman nalang nila namatay ang asawa nito. Sabi ni elyn, Nawala daw ito ng ilang araw na ang paalam sa kanya ay aalis lang daw. Pero pagkatapos ng tatlong araw natagpuan nalang ito na wala nang dugo at tuyo't na tuyo't ang katawan . katulad sa mga nanyayare sa pagpatay ng mga dalaga. Di nga nila akalain na ngayon lalake naman ang biktima . di nga namin alam kung magandang balita ba iyon o hinde kasi sa wakas wala na mananakit sa kanya. Subalit, malungkot dahil wala na nga itong magulang o kakilala na makakatulong sa kanya.
Nang malaman ko iyon awang awa ako sa kanya, kung ako lang sana ang minahal nya di yan ang mararanasan nya. Nalungkot ako sa nalaman ko, kaya sa simpleng tulong, ako na palagi nagbabayad ng pagkain nya. Dahil dun, naging madalas nadin ang pag-uusap namin. Naging magkaibigan na din kami at sobrang saya ko.
"SINO BA PIPILIIN MO, SYA O AKO?! " subalit naging dahilan ito sa pag-aaway namin ni Odette. Di na kasi kami nakakalabas o nakakapagusap dahil sa trabaho nya at sa trabaho ko. dahil nga wala sya , si elyn na palagi ang nakakasama ko . hanggang sa bandang huli, nakipaghiwalay na saakin si Odette. Naging maramdamin ako nun, hinabol habol ko sya. Pinaglaban ko sya sa magulang nya pero binalewala nya iyon. masakit pa na palitan nya ko kaagad . nawalan nanaman ako ng gana, naging malungkot nanaman ako habang nagttrabaho. Naging masungit sa mga customer at kahit si elyn nadadamay na. kaya kinausap nya ko ng maayos. Nagmakaawa sya na pansinin ko sya at sabihin nya ang problema ko.
Tulad ng sinabi nya , ginawa ko iyon dahil sasabog na din ako. Umiyak ako, humagulgol at sya? Nakinig sya buong araw saakin. Pagkatapos nun napakasarap sa feeling. bumalik ako sa tulad ng dati . Salamat talaga sa kanya nandyan sya para saakin. Dahil dun, parang bumabalik ang feelings ko sa kanya. Kaya di na ko nagpatumpik tumpik pa.
"pwede ba kitang ligawan ?" nung una nagulat sya , pero napalitan ito ng tuwa at sa pagkakataon nito ako naman ang nagulat na yakapin nya ko at sinabing "di mo na kailangan , dahil mahal naman na kita"