CHAPTER TWO:
Lunch break na namin, kakatapos lang kasi ng tatlong subjects ko at sa dalawang subjects ko ring yon na hindi ko nakita si crush. Nakakalungkot isipin na hindi manlang nya ako pinapansin pag kinakausap ko sya. Huhuhu, wala naman akong sakit na nakakahawa eh! Ah, may sakit pala ako, pero hindi naman nakakahawa to eh.
Pero okay lang rin yon, dahil unang araw ko palang naman dito eh. At sisiguraduhin ko na magiging close din kami bago matapos ang Thirty Days.
Andito pala ako sa Cafeteria. Ang laki ng canteen nila at ang sosyal talagang tignan. Pang mayaman talaga. Parang ganto rin yung sa school namin pero mas malaki nga lang ito.
Nag order na ako ng kakainin ko. Mukha namang masarap ang mga pagkain, nakakatakam tignan at nagugutom na talaga ako.
Aalis na sana ako pagkakain ko ng biglang nag ingay yung mga tao sa loob ng cafeteria, mostly girls and beki! Tahimik lang rin naman yung mga boys sa loob eh. Mga walang pake at mukhang alam na nila ang dahilan ng pag-iingay ng mga girls.
"Kyaaaah.. andyan na sila!"
Ano naman kaya yun? At sinong andito na?
"OEMGEE mga bes! Ang gwapo talaga nila!! "
"Ang gwapo ni Cyrus"
"Oo nga. Pero ang hot din ni Kian ko!"
Grabe sila oh, inangkin lang? 'Kian ko' daw? Hahaha. Ang OA nila mag react. Sino ba yung kinakikiligan nila? Hindi ko pa kasi nakikita yung mga mukha nung mga yun dahil nasa dulo ako nakaupo ngayon at mga nagsitayuan pa naman yung mga kababaihan at mga binabae. *pout* Alangan naman na makitayo rin at makihiyaw ako para lang makita ang mga yon. Tss! Ang ingay pa nila! Nakakasakit ng ulo.
*sigh*
Hindi ko pa pala naiinom yung gamot ko. Kaya ininom ko muna ito, mapapagalitan pa ako nila Mommy pati na rin si Tito Doc pag nalaman nilang pumapalya ang inom ko sa gamot ko.
"Kyaaah.. Mahal ko na talaga sila!!"
"Grabe si Lance! Prince na Prince ang dating!"
"Oo nga, Bes! Nakakalaglag panty.. kyaaah!"
"Iiiih.. ang Hot talaga nila!!"
Mga kinikilig na lintanya nila. Nang makita ko na kung sino ang kinakikiligan nila ay biglang nanlaki ang mga mata ko.
OMYGEE nga! Si Crush ko pala yun at may kasama sya. Hihihi, ang gwapo talaga nya. Ang lakas ng dating kahit sa simpleng fitted V-neck shirt at pants lang suot nya.
Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad patungo sa pwesto ko. Tsaka biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. May sakit na ba ako sa puso? Akala ko sa ulo lang. Bakit parang pati puso ko, magkakaroon na rin ng sakit?
"Hi, miss!" Bati nung isang kasama nya. Grabe, hindi ako makapaniwala. Ang gwapo nila! Pero mas gwapo sya!
"Miss?"
"A-ah? Ano po yun?" Nahihiyang tanong ko. Nakatulala na pala ako sa kanila. Huhuhu, nakakahiya!
"Makiki share sana kami ng table. Wala na kasing bakante eh at dito lang ang nakita namin." Aniya kaya napalingon ako sa paligid, at natantong wala na ngang vacant table.
"O-okay lang po. Hindi ko naman pag aari yan eh." Nahihiyang sambit ko, nginitian naman nila ako pwera lang sya. Ang suplado talaga nya!
"Thanks." Sabi nya tsaka umupo na sa mga bakanteng upuan sa tapat at tabi ko. Nasa tapat ko si Crush ko. At isa lang ang masasabi ko na kanina ko parin binabanggit na ang gwapo talaga nya.
BINABASA MO ANG
WITHIN 30 DAYS
Teen FictionA girl who has a brain tumor wants to spend her 30 days with her crush... Would she able to complete her 30 days or what??