@princess_dacuba
—CHAPTER ONE:
"Anak, are you sure na lilipat ka ng school?" My mom asked, nakakailang tanong na ba sya?
"Yup, But don't worry about me, mom. Okay naman ako eh! Kaya ko po ang sarili ko." I assured her that I'm fine.
"Bakit ba kasi gusto mong lumipat ng school natin? Mababantayan ka ng mabuti if ever na sumumpong na naman iyang sakit mo?" Para talagang si Mommy tong si Dad, makulit din eh.
"Dad, okay naman po ang pakiramdam ko at lagi ko naman pong dala yung mga gamot ko at syempre di ko rin naman papabayaan ang sarili ko."
"And the reason why I want to transfer to other school? It's because I want to try something new, before that operation. Gusto ko po muna maranasan ang hindi sa school natin ako nag aaral, masyado kasing OA ang treatment ng mga tao sa akin don, they treating me like a Princess, which is not true."
"Why? Don't you want to be a princess?"
"I don't want!"
"But you're a real princess."
"Tss. Ewan ko sayo, Dad!"
"Hahaha, Ikaw talaga." Ani Dad, tsaka ginulo ang buhok ko. Napasimangot naman ako dun.
"Dad, bakit mo naman ginulo yung buhok ko? Kakaayos ko palang nito eh! Ang hirap kaya mag tirintas ng buhok."
"Sus! Maganda ka naman na anak, kaya hindi mo na kailangan ng ganyan. Prinsesa ka nga namin ng Mommy mo, doba?" Sabi ni Dad na ikinangiti ko. Tumawa lang si mommy.
"Ewan sayo, Dad!" sabi ko tsaka ko binalingan si mommy. "Mom? Payag ka na ba? Alam kong pumayag na si Daddy, kaya ikaw nalang tatanungin ko."
Napatawa naman si Dad sa sinabi ko.
She sighed "Fine, kung yan ang gusto mo, but make sure to take care of yourself, Okay?" May bahid ng pag aalala nang sabihin ni Mommy ang mga salitang yon.
"Syempre naman po. Tsaka andun din pala yung crush ko sa lilipatan kong school." sabi ko at hindi na napigilan na kiligin. Maisip ko palang sya, kinikilig na ako. Paano pa kaya kung makakasama ko na sya! OMG! Hihimatayin ata ako..
"Nako, Honney! Parang dahil sa crush nya kaya sya lilipat ng school eh!" sabi ni Dad na ikinangiti naman ni Mommy.
"Hehehe, medyo po?" Hindi siguradong sagot ko.
"Dalaga na talaga ang Baby namin. May crush na eh." Pang aasar ni Mommy at Daddy sakin.
"Okay na yun, basta laging iinom ng gamot at bawal maglikot ah?"
"Mom! Hindi naman na ako bata!" Angal ko sa kanya, para naman kasi akong elementary eh! At natural na hindi ako mag lilikot noh! Haler? College na kaya ako.
"Hahaha, I'm just kidding baby." Ani Mommy.
"Thank you, Mom. Thank you, Dad!" Then I hug them, so tight!
"A-anak! Sinasakal mo naman na kami eh!" Reklamo ni Dad kaya napatawa nalang kami ni Mommy.
"I'm just thankful, Dad!" I said and give them my sweetest smile.
"Kami rin naman ng Mom mo! Dahil may Baby kaming kasing sweet mo!" Aniya habang pinipisil ang pisngi ko.
"Aw.. Mom! Si Dad oh!"
"Hahaha! Honey, enough. Nasasaktan na ang baby natin oh!" Sabi ni Mom kay Dad kay binitawan na nya ang pisngi ko.
I'm so lucky, dahil sila ang naging parents ko. They're sweet and lovable. How I wish na tumagal pa ang buhay ko kasama sila. Pero isang nakakalungkot na kahilingan ata para sakin yon. Dahil kahit anong pilit kong tumagal ang buhay ko, hindi narin naman siguro mangyayari yon. Napaka liit ng chance ng buhay ko sa operasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/34288004-288-k918939.jpg)
BINABASA MO ANG
WITHIN 30 DAYS
Teen FictionA girl who has a brain tumor wants to spend her 30 days with her crush... Would she able to complete her 30 days or what??