Chapter Three

56 5 0
                                    


CHAPTER THREE:

Andito ako ngayon sa tambayan nila at isa lang ang masasabi ko. Ang ganda. Sobrang ganda. Isa syang tree house, isang malaking tree house na kitang-kita ang field. Ang lamig ng simoy ng hangin, at ang ganda ng mga tanawin. May fountain din sa baba nito at napapaligiran naman ito ng mga bulaklak. Hindi ko talaga mapigilan ang humanga rito. Kahit sa loob nitong tree house ay sobrang ganda. Mamamangha ka talaga sa linis at ganda ng loob. May mga couch, mini kitchen at isang kwarto. Hindi ko alam kung paano ito nagawa, gayong nasa taas ito ng puno, nakakamangha talaga.

Sana pala nagpagawa rin ako ng ganito sa school namin, para may maganda rin akong tambayan. *pout*

"Sinong may ari nito?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"Kami." Ani Kian na lalo kong ikinamangha.

"Talaga? Wow. Sana talaga nalaman ko agad ang ganito para nakapag-pagawa rin ako ng ganto sa amin."

"What do you mean?" Tanong ni Rico

"Ah. Wala yun. Hehehe!" Tumango naman sila.

"Saang School ka nga pala galing?" Tanong ni Cyrus

"Sa ParkLine U."

"Park? Anong ugnayan mo sa may ari ng ParLine? Diba Park din ang apelyido ng may ari non?"

"Parents ko!" Nanlaki naman ang mga mata nila sa sinagot ko, syempre pwera nalang kay Crush, wala naman ata tong pakealam sa paligid nya eh.

"Really?" Tango nalang ang sinagot ko.

"Bakit lumipat ka pa dito?"

"Just want to experience something new." Pag dadahilan ko.

"Eh?" Hindi pa rin sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo nga. Gusto ko lang makaranas ng ibang bagay at makahanap ng ibang kaibigan. Ayaw ko kasi sa school namin."

"Bakit naman?"

"They always treat me like a princess and I hate it. Tsaka mga plastic eh! They all want fame, not friendship." Napasimangot naman ako ng maalala ko ang mga yun! Tss.

Kwentohan lang kami ng kwentohan hanggang sa nag paalam na yung tatlo, mag sisimula na daw ang klase nila eh. Maya maya pa naman ng konti ang klase namin ng crush ko eh.

Tumambay nalang muna ako sa tapat ng bintana at dinama ang sarap ng hangin.

*sigh*

After thirty days, sana maging ayos ang lahat. Sana kung bibigyan pa ako ni Lord ng second life after that. Ipagpapasalamat ko talaga yung ng sobra-sobra.

Haaaay..

Nabalik ako sa katinuan ko ng may magsalita mula sa aking likod.

"Hindi kaba papasok?" Alam ko na kung sino sya, kaya namam lumingon agad ako wearing my cutest smile. Hehehe, mag papacute muna ako. Malay nyo, madala sya sa kacutan ko. I mean, kagandahan ko pala.

"Papasok syempre."

"Tsk. Tara na! Alas 'dos na at late na rin tayo." Aniya, tsaka tumalikod at nagsimula ng maglakad, kaya naman sumunod narin ako.

~

"Good Afternoon Sir. Sorry were late!" Sabi ko sa teacher namin na nagsisimula nang mag discuss. Halatang nagulat naman ang mga kaklase namin ng makita kami, ganun din ang guro.

Eh? Anyare sa mukha nila. Sa pagkakaalam ko, nalate lang kami at wala naman kaming ginagawa.

"Ayos lang. Sige, maaari na kayong pumasok at maupo." Sabi ni Sir ng maka bawi sa pagkagulat?

Ano bang nakakagulat sa amin? Haist! They're so wierd!

Nagsimula na kaming maglakad papasok. Nauuna sakin si Lance na maglakad kaya nasa likod nya lang ako.

At yung kaninang nagulat na reaksyon ng mga babae kong kaklase ay napalitan ng masama at nanunuyang tingin.

"What's with their face?" Nakasimangot kong bulong sa sarili ko pagkaupo namin sa dulong parte na nasa tabi ng bintana, pero parang narinig naman ni crush.

"Wag mo silang pansinin." Aniya.

"Eh? Nakakatakot kaya ang mukha nila! Para akong kakainin ng buhay eh." Sabi ko sa kanya.

"Tsk!" Yun lang ang sinabi nya at tinuon na ang atensyon sa bakla naming teacher. Yeah! Akala ko lalaki talaga kanina, nung nag simula na syang magturo ay dun ko napagtantong may pagkamalambot din sya. Hihihi! Nagiging bad na talaga ako.

Patuloy lang si Sir sa pag di-discuss nang may narinig akong bulungan kaya napasimangot na naman ako sa narinig ko.

"Bakit kasama sya ni Prince Lance?"

"Ang landi nya talaga! Kabago bago dito sa EU nilalandi na nya agad si Prince"

"Yeah! Kung nakita nyo kung paano nya landiin yung Apat kanina. Grabe! Maiinip ka talaga."

"Kaya nga eh! Ang sarap nyang buhusan ng putik. Ang lakas nyang gumanon"

"Tss. Lagot sya pag nakita sya ni Maycee, ayaw pa naman nya na may lumalapit kay Prince na ibang babae pwera lang sa kanya"

"Eh alam mo naman yon, isa ring feelingera! Hindi naman sila bagay ni Prince, mas bagay pa nga si Prince kay Yuri eh!"

"Your right girl! Kaya dapat wag narin syang magpapakita dun."

"Tsk! Ang lanfi kasi nya sobra!"

"Be ready para mamaya girls. Alam nyo na kung ano yung papagawa nun satin."

"Huh! Good luck sa kanya!"

People always keep saying na malandi ako. But, I'm not! At never akong naglandi noh!

Baka naiingit lang sila sakin. Tama! Inggit lang ang mga yun dahil yung crush nila na crush ko rin ay kasama ko ngayon. Hihihi! Achievement ko narin yon. At umiyak sila sa inggit!

"Hayaan mo na sila. Just focus to your study and concentrate, pag pinansin mo sila baka ikaw lang rin ang mapasama" ani crush ko. Infairness, ang haba ng sinabi nya ah! More than ten words yun.

"Ah. O-okay, sabi mo eh!" Sumigla naman ako bigla sa sinabi nya, kaya naman ipinagpatuloy ko nalang ang pakikinig ko sa mga tinuturo ni Sir. At minsan tinitignan ko sya pero natutulog lang. Ano ba naman yan, hindi na ba sya nag sasawang matulog?

Lagi sigurong puyat. Eh ano naman ang kakapuyatan nya?

~

"Manong Jose, mag papasundo na po ako."

(Ah.. sige Keira,papunta na ako sandali lang.)

"Ah sige po, sa may bench ko nalang po kayo intayin. Salamat!" Tsaka ko binaba yung phone ko.

Gusto ko nang umuwi agad, medyo nahihilo na naman kasi ako. *sigh* Bakit ngayon pa? Napasandal naman ang ulo ko sa mesa, every bench kasi dito ay may mga table.

Ugh! Sumasakit narin ang ulo ko. Nainom ko naman ang gamot ko ah! Pero bakit ganto?

Maya-maya nag ring na yung phone ko. Si Mang Jose lang pala.

(Keira, andito na ako sa labas ng gate. Asan kana?)

"Ah sige po! Papunta na po ako dyan"

(Sige..)

After kong i-end yung call nag punta na ako sa labas ng gate at buti nalang hindi ako nahirapan hanapin si manong. Nanghihina na kasi ako.

"Haay. Salamat nakasakay din.tara na po manong, gusto ko na mag pahinga eh." Ani ko, hindi ko na pinahalata ang nararamdaman ko. Paniguradong mag aalala na naman sila. Ayaw ko pa namang nakikita na nag aalala sila nang dahil lang sa akin.

"Ayos ka lang ba, Ijah?" Tanong ni manong.

"Opo, ayus lang ako." Sabi ko at nginitian sya.

~

WITHIN 30 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon