Chapter 8

330 29 58
                                    




THERE's nothing I would want more than to visit Mia every weekend. Pero umaaayaw siya. Masyado raw akong mapapagod. Nagkakasya na lang kami sa Facetime.

Oo, sa edad na kuwarenta'y sais, bigla akong nagkaroon ng Long Distance Relationship.

            Nasundan pa naman ng isang beses ang pagdalaw ko kay Mia bago lumuwas si Gael. Did I go inside their house? Hindi. Ayokong maalangan siya. At inaamin ko rin naman na naiilang din ako. Hindi ako puwedeng lumusob sa kaharian ng iba. Kahit pa sabihing wala na doon ang hari.

            Huling linggo ng June, pumayag siyang muli akong lumuwas. Sunduin ko na lang lang daw siya sa tapat ng isang coffeeshop. Hindi sa bahay nila. Hindi sa clinic. Minsan daw kasi ay bigla-biglang dumadating si Gael sa clinic nang hindi nagsasabi. Kaya sa harap ng coffeeshop na lang kami magkikita.

            Alas-singko ang usapan namin. Pero wala pang alas-singko panay na ang text niya.

            <Marcos highway na.> Text ko nang huminto dahil sa traffic sa tapat ng dalawang magkatabing mall.

            Sumagot uli. <Sa'n sa Marcos? Bilisan mo.>

            Pinaikot ko ang mata ko. Lalo akong matatagalan kung sasagutin ko pa ang text.

            Pero nag-text uli. <Sa'n na?>

            Napakakulit. Sinabi kong nasa tapat na ako ng isang kilalang hardware store.

            Bilisan ko raw. 'Kala mo naman miss na miss ako. Malamang ninenerbyos lang. Pero baka nga naman nami-miss din talaga ako, ano?

            Pero binilisan ko rin naman. Ayokong malagay siya sa alanganin.

            Ilang sandali pa ay tumigil na ako sa harap ng coffeesop. Pinindot ko ang hazard light.

I saw her instantly. May pulang tela sa ulo niya at naka-shades. Natawa ako. Iniisip ba talaga niya na hindi siya makikilala sa disguise niya? Kung ako nga nakita ko siya agad, eh, si Gael pa ba kung sakali na kasama niya araw-araw?

            Tinawagan ko.

            "Sa'n ka na?"

            "Dito na. Ten o'clock mo."

            Tumingin siya sa direksyon ko. Naglakad na siya palapit.

Pinindot ko ang lock nang ilang metro na lang ang layo niya. Hinila niya ang pintuan.

            "Bakit ka may taklob na kumot sa ulo?" sabi ko habang isinusuot niya ang seatbelt.

            "Pashmina 'to," singhal niya. "Galing pa ng India." Ibinaba niya sa balikat niya ang telang pula.

            "Tapos mukhang uulan pero naka-shades ka."

            Tinanggal niya ang shades. "Asarin mo pa ako, bababa ako."

            Tumawa ako. "Hindi ka na mabiro ka," sabi ko. Inabot ko ang kamay niya. Tinitigan ko siya. "I missed you."

            Tumaas ang isang kilay niya. "Na asarin?"

            "Among other things, yes. Ako, na-miss mo ako?"

            Inilagay niya sa loob ng bag ang shades. "Hindi masyado."

            Lumabi ako. "Maniwala ako." Hinaplos ko ang palad niya. "'Yan o, ebidensya." Tumayo kasi ang mgabalahibo niya.

            Pinaikot niya ang mata. "Ever heard of response to stimulus?"

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon