Chapter 17

344 26 22
                                    


PAGDATING ko ng San Clemente, agad akong tumawag kay Mia para i-report na maayos akong nakauwi. SOP 'yon. Malimutan na ang lahat, huwag lang 'yon. Maghahalo ang balat sa tinalupan.

And then I told her about the condo unit. Kunwari hindi importante.

"Nakalimutan ko palang ikuwento sa 'yo kahapon," sabi ko. "May kaibigan akong nag-alok ng condo unit sa 'kin."

"Saan?"

"D'yan daw sa Katipunan, eh," sabi ko.

"Kino-consider mong bilhin? Bakit? Ibabahay mo na ako?" Tumawa siya.

Napangiwi ako. Toldya, she, really does not mince words. "Para lang may matirhan ako 'pag lumuluwas ako. Nahihiya na rin kasi ako kay Kevin," sabi ko. "Ikaw ba hindi?"

"Hindi," sabi niya. Tumawa uli. "You are paying for his monthly dues and electric bill. Malaking bagay na 'yon, considering we only stay there every other weekend. Sino 'yang nagbebenta?"

"Kapatid ng kaibigan ko sa U.S." Ikinuwento kong hindi na raw kayang bayaran ang monthly amortization.

"Ah, pasalo?" Nauuso nga daw ang ganoon ngayon.

"Oo," sabi ko. "Sayang, eh. Ang baba ng alok. What do you think?"

"I'd say a good investment. Maganda ang location. Malapit sa faultline." Tumawa uli siya. "Eh, pero malapit din naman sa faultline ang bahay ng mga mayayaman sa QC. 'Di mo sinabi. Natingnan sana natin."

"Nakalimutan ko kahapon, eh," sabi ko. Sabi ko lang 'yon siyempre.

"'Tanda mo na kasi. Dami mo na nakakalimutan."

Kung hindi lang ako natutuwa sa positive reaction niya sa pagbanggit ko ng tungkol sa condo unit, baka napasimangot na naman ako. "Tingnan natin sa weekend," sabi ko.

"What? Luluwas ka uli sa weekend? Wala ka pa ngang isang oras d'yan pagbalik na uli dito ang iniisip mo."

"Eh, 'yon naman talaga ang schedule ko, 'di ba? Ayaw mo?"

"Gusto," sabi niya.

Napangiti ako. At least umamin.

"Napapagod ka lang kasi masyado. Tapos swab test ka uli? Bisaklat na ang ilong mo pagkatapos ng pandemya."

Tumawa ako. "Anything to be with you, Biagko."

"OA," sabi niya. Para kong nakikitang pinapaikot niya ang mga mata niya.

The next weekend, we met with the condo unit owner. Hindi ko na pinatagal pa. Kapag naayos na ang lahat, sa susunod na pagluwas ko, doon na kami magi-stay ni Mia.

"Hindi ka ba nabibigla sa ginawa mo kanina? Para ka lang bumili ng siomai, ah," sabi ni Mia nang nagpapahinga na kami kinagabihan.

Tumawa ako. "Pero ang aliwalas ng lugar ano?"

"Oo, matutuwa ang mga bata 'pag nakita nila. At least kung uuwi sila at ganito pa rin na may quarantine, may matitirhan sila."

Hindi ko pa alam kung sasabihin ko kay Chico at Athena ang tungkol sa lugar. It is Mia's place.

"May gusto ka bang baguhin sa interiors?"

"The furnitures are okay," sabi niya. "Bili na lang siguro tayo ng mga kurtina at gamit sa kusina. Malaki ang oven. Hindi pala natin na-check kung okay 'yong rangehood. Ikaw may gusto kong baguhin?"

Napangiti ako. Mukhang excited din naman siya. "Malaki ang banyo. I want a tub. I want to make love to you in a tub." Hinaplos ko ang balakang niya.

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon