Chapter 14

357 33 64
                                    


KAHIT kalmado ang boses ni Mia, alam kong nagpa-panic na siya. Her monthly period is late. Dalawang araw na.

"Gusto mong lumuwas ako? Baka kailangang masundot," sabi ko. Dalawa lang naman ang puwede niyang maging reaction sa sinabi kong 'yon. Ang tumawa o ang murahin ako.

She did neither. Mukhang malala nga ang nerbyos. "Nanghihina ako," sabi niya.

"Huwag mo kasing isipin," angil ko. "Baka kaya hindi lumalabas kasi stressed ka."

"I'm trying to relax. Nagsindi pa ako ng scented candle kagabi, wala pa rin. Kung hindi nga lang ako natatakot na baka nga buntis ako uminom na ako ng beer, eh."

Hindi ko napigilan ang mapangiti. At least alam kong hindi siya gagawa ng hindi maganda. Bakit ko nga naman kasi iisiping gagawa siya ng hindi maganda?

"May kakaiba ka bang nararamdaman? Nasusuka? Nahihilo?"

"Nasusuka ako. At nahihilo. At masakit ang ulo ko. Pero baka sa nerbiyos. Hindi ko alam. Baka nga buntis ako."

Inaamin ko, hindi ako kinakabahan. In fact, I am excited. Gusto kong magkaanak kami. Ang nagpapabigat lang sa kalooban ko ay 'yong alam kong nahihirapan siya. "Eh, kung nand'yan na 'yan-"

"Huwag mong ituloy ang sasabihin mo."

Napahugot ako ng malalim na hininga. "Ang sinasabi ko lang-"

"Ano ba Zeus, lalo akong mai-stress. Hindi mo kasi alam kung ano ang nararamdaman ko, eh," sabi niya.

Nagsalubong na ang kilay ko. "Ba't mo naman nasabi na hindi ko alam ang nararamdaman mo?"

"Kasi hindi naman ikaw ang lalaki ang tyan. Hindi ikaw ang pag-uusapan."

Humugot ako ng malalim na hininga. "Akala ko ba ang problema lang natin baka makasama sa 'yo ang pagbubuntis? Na baka may birth defects na ang bata kung sakali?"

"You don't understand." Tumaas na ang boses niya.

"Eh, ang hirap mo din kasing intindihin, eh." Sorry, hindi na ako nakapagpigil.

"Eh, ba't ka galit?"

"Eh, galit ka rin naman. Puwede namang pag-usapan 'to nang maayos. Dalawa lang naman 'yan. Kung buntis ka, mamimili ka lang kung itutuloy mo o ipapa..." I can't even say the word. "O hindi. Nasa 'yo ang desisyon."

"Eh, ba't ako lang ang magdedesisyon?"

"Eh, parang ayaw mo namang pakinggan ang sinasabi ko, eh. Kung sabihin ko bang ituloy mo, gagawin mo? Gagawin mo pa rin naman ang gusto mo. Kelan ba ako nasunod?"

Alam kong tuliro siya at hindi ko dapat patulan pero naiinis na rin kasi ako. She is being unreasonable. Baka nga buntis? Eh, pero nakakapikon, eh!

"Kasi ako lagi ang pinagdi-desisyon mo," sabi niya. "Kung ano'ng kakainin. Kung saan pupunta? Kung kailan mo ako pupuntahan dito."

"Kasi nga ayokong mag-away tayo," sabi ko. "I don't wanna rock the boat. Masama ba 'yon?"

Hindi siya sumagot.

Kinalma ko ang sarili ko. "I'm sorry tumaas ang boses ko," sabi ko. "I'm just worried about you." I really am. Nagpa-panic siya. Hindi ko dapat sabayan ang init ng ulo niya.

"Okay lang naman ako," sabi niya. "Sorry din."

"How about you go to bed now? Ipahinga mo ang utak mo. Mag-usap uli tayo bukas."

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon