Akala ko

247 14 5
                                    

May mga panahong aakalain natin na magiging maganda hanggang sa huli ang bagay na nag-umpisa sa maayos...

Ganyan naman tayo eh... akala ng akala kaya ayan, asa rin tayo ng asa. pero kasi...

Akala ko magiging perfect ang lahat

Ako si Patricia Pascual at ito ang storya nating dalawa..

------

Naalala ko na naman ang lahat. Bakit ba kasi bumalik pa ako dito? Ayan tuloy naalala na naman kita. 
Ikaw...

Ikaw na nakilala ko sa lugar sa na to. Ikaw na siyang unang nagpabilis ng tibok ng puso ko na akala mo nasa isang karera...

Bakit nga ba kita minahal?

Ah alam ko na... Kasi gwapo ka, matangkad, chinito,maputi,matalino, maaasahan at sabi nila matino...

Nung nakilala kita, alam mo ba ang corny mang pakinggan pero na-love at first sight ata ako sayo. Wala eh ang gwapo mo.

Simula ng nakita kita dito sa simbahang ito sinundan na kita. Pero syempre pa lihim lang

Hanggang sa isang araw..

Pinasali ako ni mama sa mga kumakanta sa simbahan. Noong una ayoko kasi hindi naman kagandahan ang boses ko pero alam mo ba noong nakita kita sa unang practice at nalaman kong kasali ka wala nang arte-arte sumali na ako andun ka eh.

"Gusto mong tubig?"- alok mo sa akin habang nakangiti.

Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan at pati na rin sa likod para masigurado kung sino ba talaga ang inaalok mo. Bigla mo akong kinuhit.

"Patricia, para sayo talaga toh"
-sabi mo sabay lagay ng bote ng tubig sa mga palad ko.

Napayuko ako...

Enebe.kinikilig ako. Alam mo ang pangalan ko at nahawakan mo pa ako.

Nagulat ako nung tumabi ka sa akin "ako nga pala si Niko"-sabi mo ng nakatingin sa akin at nakangiti.

Alam mo, pwede kanang model ng close up. Sobrang perfect kasi ng mga ngipin mo.

"uhmm.. Im patricia'-tugon ko sayo.

Ewan ko kung anong nangyari pero simula noong araw na  yon lagi na tayong nagkakausap at ako? Sobrang saya ko kasi pakiramdam ko close na tayo

Lumipat ka kasi sa school ko at naging magkaklase tayo kaya naman sa loob ng 2 taon tayo ang laging magkasama.

Naging tampulan tayo ng tukso kasi bagay daw tayo pero ang sinasabi mo lang "ano ba kyo? Bestfriend ko toh eh"

Pagkatapos mong sabihin ang mga katagang yun humahalakhak ako sabay tugon ng "oo nga. Bestfriend nya lang ako"

Humahalakhak ako pero alam mo ba? Ang sakit  pala. Una kasi ang hirap magpanggap ka na ayos ka lang pero sa loob nawawasak kana. Pangalawa, Niko umasa ako na tulad ng ibang magbebestfriend magiging lovers rin tayo balang araw. At panghuli ang sakit na yun lang ang tingin mo sa akin samantalang ako minamahal ka.

Naging ok ang lahat pero bakit nung dumating si Alex parang lumayo kana sa akin.

Si Alex na siyang nililigawan mo. Niko sinoportahan kita pero sa loob ko, nasasaktan at nagseselos na ako.

3 buwan..

Tatlong buwan na hindi na tayo sabay kumain, pumasok at umuwi. Namimiss na kita.

Akala ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon