Family

5 2 0
                                    

"Bakit ba ganyan ka ha?!Puro ka nalang inom!!inom dito, inom doon!"sigaw ni mommy

Nagaaway na naman sila ni daddy,Lagi naman silang ganyan eh.walang araw na hindi sila nagsisigawan,May plano pa nga silang maghiwalay nang hindi man lang ako iniisip.

"ANO BANG PAKE MO HA?!PERA KO NAMAN ITONG IPINAMBIBILI KO NG ALAK AH!"

"Ayan dyan!Dyan ka magaling, Ang ipagmayabang ang pera mo.Baket yang bang pera mo napapakain kami ng anak mo?!Ha?!hinde diba?!"

Aawatin ko ba sila o hindi?Hayy nako bahala na

"Mommy,Daddy tama na po iyan.Huwag na po kayong magaway"pag awat ko sa kanila pero hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin

"Huwag kang makielam dito Nathalie"saad ni Daddy kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Pumunta ka na sa kwarto mo Nat at huwag kang makielam dito."Saad naman ni mommy kaya sumunod nalang ako dahil baka ako pa ang mapagbuntungan nila ng galit.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay inilock ko ang pinto para siguradong walang makakapasok.Pabagsak akong humiga sa kama ko at sumubsob sa mga unan ko.

Simula palang nung bata pa ako madalas ng mag away sina mommy at daddy, minsan na nga nilang tinangkang magdivorce pero pinigilan lang sila ni lola dahil nakakaawa daw ako.Sa tuwing nakakakita ako ng masaya at buong pamilya hindi ko maiwasang mainggit kasi gusto ko din ng ganon.

Naiiyak ako, Naiinis din ako sa sarili ko kasi wala akong magawa para mapagbati sina mommy at daddy.Siguro wala na talaga akong magagawa para mapigilan silang maghiwalay.Ginawa ko na naman ang lahat ng makakaya ko pero wala parin. 

Kinuha ko ang cellphone ko at ichinat si Audry at Clyden.

To:Audry
Aud:(

To:Clyden
Cly I'm sad :(

Hindi pa nakakalipas ang ilang  minuto ay nagreply na si Audry.

From:Audry
Why Nat? Nagaway na naman mommy at daddy mo?Shhh Cheer up nandito lang ako

To:Audry
Bakit kaya lagi silang nagaaway?Naiinis ako sa sarili ko kase wala akong magawa

From:Audry
Wag mong sisihin ang sarili mo,Hayaan mo mamaya pupunta ako dyan libre kita

To:Audry
Talaga??Totoo yan ah?

From:Audry
Oo nga totoo basta wag ka ng masad ah bye muna.Ily Nat

To:Audry
Byeeeee:) Ilytttttt

Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng may biglang tumawag dito.

Clyden Calling...

"Hello"

[Okay ka lang Nat?]

"Oum,Bakit?"

[Diba nagchat ka sakin na sad ka?So bakit sad ang baby girl namin?Hmmm?]

"Nag away sina mom at dad"Mahina kong saad

[Hayyss sabi na eh,lagi namang nagaaway mommy at daddy mo,Hayaan mona yon Nandito naman kami eh]

"Yeah"

[Cly!Halika dito may iuutos ako sayo]rinig kong sigaw ng mama nya

[Hayyss Pano ba yan?May iuutos daw eh bye muna Nat tawagan nalang ulit kita]

"Okay babyee"

[Bye wag ka na masad ah Iloveyou]saad nya at biglang inend ang call

Clyden is my Suitor and also one of my friends of course.Medyo matagal na syang nanliligaw sa akin kaya plano ko syang sagutin sa Birthday nya,Malapit na naman yon eh sa isang buwan na para doble celebration.

And Audry is my closest friend,Close naman kaming lahat pero sya yung masasabi kong para kong ate na bestfriend, sya din yung lagi kong kasama sa mall paghinde pwede yung iba.

When Someone Better CameWhere stories live. Discover now