She's Better

3 1 0
                                    

Nagising nalang ako dahil ang ingay ingay nila,Nilibot ng paningin ko ang buong kwarto at nakita kong magisa nalang ako dito.

Siguro ay nanonood na naman sila kaya ang ingay ingay nila, hindi man lang ako ginising.Bumangon na ako at saka naghilamos at nagtooth brush bago lumabas ng kwarto.

Wala sila sa salas kaya sigurado akong nasa kusina sila dahil ang lakas ng tawanan nila.Kaya agad akong pumunta doon para makikain

"Good Morning Nath" bati ni Erika ng makita ako

"Good Morning" saad ko at saka tiningnan ang niluluto nya

Napatigil ako saka tiningnan ang bumati sa akin kanina...

Si Erika? Bakit nandito toh?

"Erika?Bakit ka naandito?"takang tanong ko

"Ininvite namin sya dito"saad ni Aud at tumango tango nalang ako

"Ang sarap mo pala magluto Erika" saad ni Prince habang humihigop ng sabaw

"Ano ka ba hindi naman masyado"saad naman ni Erika

"Mas masarap ka kaa magluto kesa kay Nath"saad ni Sam at sumangayon naman silang lahat maliban kay Clyden

'awtss parang dati luto ko ang pinaka gusto nila ngayon luto na ng iba.'

Nagpanggap nalang ako na walang pakialam kahit ang totoo ay gustong tumulo ng mga luha ko.

"Kain ka na Nath"saad sa akin ni Clyden kaya tumango nalang ako at kumain ng tahimik habang sila ay nagtatawan.

Nandito kaming lahat ngayon
sa labas magbibike daw sila.Hindi ako marunong magbike kaya papanoodin ko nalang sila.

"Racing ulett!"sigaw ni Erika

"Anduya mo naman eh ang galing mo magbike luge kami"saad ni hannah na sinangayunan nilang lahat

"ikaw Nath sama ka?" tanong ni Prince

"Ha? Ah eh hindi naman ako marunong magbike"saad ko saka tumungo

"Daig ka pa ni Erika, Nagaral sya magisa nung isang buwan sabi nya sa amin"saad ni Aud

"sige Kayo nalang, dito lang naman ako"saad ko nalang at nagsitanguan naman sila

Nagdaan ang isang buong linggo ng paulit ulit lang ang naririnig ko sa kanila at yon ang 'Mas magaling sayo si Erika' o kaya naman ay 'daig ka pa ni Erika'

Nakaupo ako dito sa Veranda habang nakatingin sa mga bituin, Tulog na sila at huling gabi na rin namin dito kaya makakauwi na ako.

"Okay ka lang?"tanong ng kung sino nung tingnan ko ito ay si Clyden

"Oo naman, bakit nga pala gising ka pa? akala ko tulog ka na ah"

"Nagising ako kasi pag tinggin ko sa hgaan mo wala ka don"saad nya saka umupo sa tabi ko

Bumuntong hininga nalang ako saka dinama ang malamig na hangin

"Alam kong nasasaktan ka kasi cinocompre ka nila sa kanya"saad nya kaya tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa langit

"wala yon okay lang ako"saad ko habang nagpipigil ng luha

"Mahal kita Nath kahit anong mangyari hindi ako magbabago katulad nila"saad nya na naging dahilan ng pagtulo ng luha ko

"Maybe she's just really better than me. Well I accept it that She's better than me."Saad ko at niyakap nya naman ako

"Shhh For me your the best"

When Someone Better CameWhere stories live. Discover now