flashback
Saturday ngayon, pero dahil nalalapit na ang Sports fest pumasok ako ngayon sa School para mag-practice. After kong magpalit ng swimwear nakita ko may isang lalaki sa tabi ng pool naka-upo.
“Luke?” mali, lilingon lang pala siya kapag ” Scott..” sakto! Lumingon nga.
“Bakit ka nandito?” nagtataka ba siya sa sinabi ko?
“Sabi mo samahan kita..pinasabi mo kay Kyla, wala ka daw kasing kasama eh, hindi daw siya pwede ngayon.”
“ANO?!” si Kyla talaga.. humanda talaga si Kyla saakin.
“Wag ka na ngang maarte diyan! Buti nga sinamahan pa kita. Masakit pa ba ung ulo mo?” akala ko wala siyang pakielam sa mundo. Meron naman pala.
“Okay na.. malayo sa bituka.”
“Okay. Good. Go practice na..” tinuro pa niya ung pool.,
“Wala akong timer na kay Kyla ung timer ko.” nakita ko tinaas niya at winagayway niya ung timer dahil hawak niya ito.
“Binigay ni Kyla kahapon bago mag-uwian.” Hala?! Planado ng loka!?
“Wala ka bang ibang gagawin, kaya ko naman mag- isa.”
“Sino magbibilang ng oras sayo? Meroon akong gagawin ngayon na mas importante dito, pero dahil hindi na salo ung bola na tumama sayo, kaya ngayon sinamahan na kita.”
“TSK! Ikaw pala?.. Guilty sir?” akala ko naman gusto talaga niya akong samahan, napilitan lang pala at na- guilty pa,na guilty ba siya?
“Sige na! Go?” fine. Nagsimula na ako mag stretching bago lumusob.
Actually naiilang ako, hello?! Naka swimwear ako at masyado naman atang sinuswerte ang lalaking ito. Pero eventually mukhang hindi naman siya manyak na tao, naging comportable na ko ng tumagal. Ngayon nagpapahinga na ako, katabi siya dito sa side ng pool.
“Mabilis ka naman pala eh, parang sanay ka na mag-swimming.” Hays, ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya ngayon katabi ko siya sa side ng pool, brown pa lang ang mata niya, ang ganda. He has Brown Eyes. At..at ang labi niya.. mapula. At parang ang lambot. Tsk! Sige Kathy titig pa!?
“Hey! Stop looking at me, wag mong sabihin na gusto mo na akong halikan?” ngumisi pa siya. nagulat ako! Hala ka babae ka! Nahalata tuloy na tinititigan mo ung labi niya! tsk!
“Ano?! excuse me! Halikan ka diyan!! Kahit na gwapo ka sayang lang din kung ganyan ka magsalita! Yabang nito! Hmp!” tumawa lang ang loko.
“So gwapo ako?” wala na, hindi na ako nakakilos dahil inilapit naman niya ang mukha niya saakin. Ano na Kathy?! Move! Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko, hindi ko maigalaw, pangalawang beses na niya inilalapit ang mukha niya saakin, ang distance naku, parang wala ng inches sa lapit. Buti na lang ay nagkalakas ako ng loob na lumayo sakanya. Salamat at bumalik pa ang kaluluwa ko sa katawan ko!
“Oo na, gwapo ka na! happy?” with sarcastic tone ko yan sinabi ah! ngumisi lang ang loko. Bakit ganun nag-iinit ata ang pisngi ko.
“Good, buti naman hindi mo na dineny na gwapo talaga ako. Pero.. mukhang apektado ka na saakin ah.” ano bang pinagsasabi niya?
“Ano? ako apektado sayo? At bakit mo naman nasabi aber?” jusko,alam kong basa ako pero bakit feeling ko ung pawis ko na to at hindi ung tubig mula sa swimming pool.
BINABASA MO ANG
Maalala Mo Sana(KathQuen)
FanfictionMaalala ba ng puso mo ang pag-ibig na nilimot ng iyong isipan? Hinihiling ko lang ay Maalala mo Sana.