(Flashback)
“Okay class I have an announcement” sabi ng adviser namin ng third year class. Lahat naman kami nakinig sa sasabihin nito.
“May bago kayong classmate.” At iniluwa ng pinto na iyon ang isang mestizo na lalaki. Bigla tuloy akong na conscious sa balat ko. Kalalaki niyang tao eh pantay ang puti nito. Malamang may lahi siya.
“I’m Luke Scott Martin.” Ang mga kababaihan ngayon dito sa room ay nagbubulungan at parang kinikilig pa. Napaka tangos kasi ng ilong niya at ang mga mata niya napaka ganda. Bagay na bagay sa pangalan niya.
Pumalibot ang tingin ko saan kaya siya uupo? May bakante dito sa right side ko. Baka doon siya uupo.
“Mr.Martin maupo ka sa right side na bakanteng upuan ni Ms.Jimenez.” saakin side nga.
Pagkalakad niya lahat ng mga mata ay nasakanya. Pero parang wala lang siyang pakielam. At ang mga babae kong classmate nagbulungan na, naiingit siguro sila dahil katabi ko ang isang napaka gwapong lalaki.
“Since Ms. Jimenez ikaw malapit kay Mr. Martinez at ikaw na din naman ang class president, ikaw na magbigay ng mga requirements na kailangan sa subject ko, siguro sasabihin ko na din sa iba pang teachers niyo na ikaw na muna umalalay kay Luke that’s your special assignment ikaw na din ang mag tour sakanya dito sa campus .” What?! Eh parang wala ngang pakielam sa mundo ang lalaking ito. Napaka suplado tingin ko palang. Hindi nga ngumiti nung nagpakilala eh.
“Ms. Jimenez Do you understand?” Ay si ma’am kinakausap nga pala ako.
“Ah….” lumingon ako sa katabi ko. Wala naman siyang imik.”Yes ma’am.” Si Mrs. Rodriguez talaga! Hindi halatang favorite ako. Haha! Well sa totoo lang kapag sa labas ng classroom ay napaka bait niya talaga saakin. Good timing! Pero Hala na!!!Eh parang ayaw naman niya ako. Masama tingin niya saakin.
Break time namin. Agad naman siyang tumayo sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinabol. Tama hindi doon ang cafeteria nako baka maligaw siya!
“Luke!!” tinawag ko siya,pero patuloy lang ang paglalakad niya. Dinedma ang beauty ko! “Huy luke!!” aba! Ewan ko ba kung bakit ko siya sinusundan eh dinedma na nga niya ako! Nakita ko ung way na namin eh papuntang Rooftop. Ano ba yan!? Hindi ba siya kakain? Hindi ito ang papuntang Cafeteria “Scott!” doon na siya huminto. Sakto nasa pintuan na kami ng Roooftop.
“What now?” pagtapos agad naman siyang pumasok doon. Sinundan ko siya.
“What?!” ang sungit!
“Gusto kong magpakilala sayo. And akala ko hinahanap mo ang Cafeteria.” Wala akong maisip. Hindi ko din alam kung bakit ako nandito ngayon sa harapan niya.
“Okay. I know you, you are Katherine Shane Jimenez. Class president ng klase natin. Okay na ba?” Tumaas pa ang isa niyang kilay! Taray! Pero lalaking lalaki parin siya sa paningin ko. hindi masagwa ah.
“Paano mo ko nakilala? Mind reader ka ba? Ikaw ba si Edward Cullen.” Hahaha! Uy ah! Edward is my favorite vampire kung nabubuhay lang talaga siya at hindi fictional character edi sana mas masaya ako ngayon sa buhay ko! anyways iba na tong sinasabi ko balik tayo kay Scott.
“What the! What are you talking about? Of course it said on your name plate!” tinuro niya pa! oo nga naman! So tinitigan niya ko? I mean tumingin na pala siya sa name plate ko. hindi ko napansin un ah! paano naka- focus ako sa mukha niya! Gandang lalake! Sayang ang sungit lang.
“Ah he he he! Oo nga noh?” wala na kong masabi. Napakamot ako sa ulo ko.
“Hey!” hala! Napatulala ako sakanya ng hindi ko namamalayan.
BINABASA MO ANG
Maalala Mo Sana(KathQuen)
FanfictionMaalala ba ng puso mo ang pag-ibig na nilimot ng iyong isipan? Hinihiling ko lang ay Maalala mo Sana.