"Ang ganda mo ngayon"
Daniel's POV
"Huh? Ano po yun kuya?" Tanong naman ni Grae sakin.
"Ah, wala akala ko ba di ka sasama?" Tanong ko.
"Grrrr! Para nga po akong naset-up !" Sabi ni Grae, hehe ang cute nyang magalit.
"Di mo parin nakakalimutan yang bracelet na yan." Sabi ko sabay hawak SANA doon sa bracelet pero kamay nya yung nahawakan ko.
"Ahhh." Sagot nya sabay alis nung kamay nya sa pagkaka-kapit nito sa kamay ko, nakita ko rin pag blu-blush nya.
Tumingin lang sya sa bintana..
Kaya ako rin tumingin nalang sa relo ko, tsss di pa naman pala kami late ee.
"Ay!!!!! Kuyaaa!!!" Sigaw ni Grae sabay yugyog sa katawan ko.
"Ano yun?" Tanong ko habang may ganitong smile
^____^
"Yung invitation po naiwan ko, okay lang bang bumalik tayo?" Tanong nya, ahahah ayos!
"Ok, malapit palang naman ee."
"Kuya, balik po tayo, then paki-kuha nalang yung invitation nya." Sabi ko.
"Yes sir.." Sagot ng driver namin sabay u-turn.
"Salamat kuya." Sabi ni Grae, sabay akbay sakin.
Humarap naman ako sa kanya..
"Kung pede mo lang akong mahalin ee." Bulong ko pero narinig nya parin ata.
Bumitaw nalang sya tapos humarap ulit sa bintana.
Aliw na aliw sya sa mga street lights tska sa STARS.
Kung ako lang sana yung mahal mo Grae, pero dahil mahal ka nang pinsan ko at mahal mo din naman sya wala akong magagawa.
Wala akong magagawa kundi ituring kang kapatid ko.... Siguro hindi pa naman pagmamahal ito diba?
Baka dahil lang sa nawala ng maaga yung kapatid ko kaya masaya ako pag nandyan ka Grae, everytime na napro-protektahan kita, everytime na napapangiti kita nagiging masaya narin ako dahil nagagawa ko sayo yung mga bagay na dapat...,,.
Dapat sa aking kapatid nagawa pero wala na yung kaisa-isa kong kapatid.
"Sir, nandito na po tayo, kukunin ko na po"
Sabi nya at sabay baba.
Medyo akward...
"Hmmmm, bunso pano kung di na bumalik si R.A?" Tanong ko.
"Babalik sya!" Sabi ni Grae.
"Pano nga kung hindi na.." Sabi ko sa seryosong boses.
"Edi, magmamahal na ako ng iba, kahit mahirap." Sagot niya sabay ngiti sakin pero false smile.
Napaka-swerte ng pinsan ko...
"Bakit mo na itanong?" Tanong nya sakin.
"Mahirap ba akong mahalin?" Tanong ko naman sa kanya.
"Hindi, kaya nga nagustuhan kita noon ee, ayyyy!" Sabi nya sabay takip sa bibig nya.
Nadulas ata.. Ayon namula namaman.
Ang cute nya di ko na mapigilan yung sarili ko.....
*hug*
"Ma... Magkita na sana kayo ulit ng taong mahal mo, sana ako nalang.." Sabi ko.
"Sir, ito na po" sabi ni Jose yung driver namin.
Bumitaw ako tapos kunwaring inaayos ang aking damit.
BINABASA MO ANG
COINcidence Love (ongoing)
Teen FictionAng kwentong ito ay iikot sa mga college students na may pangko sa isa't-isa. Kwento ng mga pangakong natutupad ganyun din naman ang mga pangakong di maaaring matupad. Kwento din ito ng tunay at tapat na pag kakaibigan at walang hanggang pagmamahala...