Prologue

90 5 0
                                    

Napatingin si Maeve sa mga naggagandahang mga bituin sa langit habang mag-isang nakahiga sa ilalim ng puno

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatingin si Maeve sa mga naggagandahang mga bituin sa langit habang mag-isang nakahiga sa ilalim ng puno.

Mapait siyang napangiti habang inaalala ang masasalimuot na pangyayari sa kaniyang buhay.

Sana kagaya ng mga bituin sa langit, sana'y hindi siya parati na lamang mag-isa.

Pero sino nga ba ang niloloko niya? Simula pagkabata ay mag-isa na siya sa buhay. Palipat-lipat na ng matitirhan. Walang permanenting matatawag na bahay, walang pera, walang trabaho.

Wala sa sariling napahinga siya ng malalim.

Kahit mga magulang na mag-aaruga sa kaniya'y pinagkaitan pa siya. Wala ring mga kaibigang dadamay. Mag-isa na lang talaga siya sa mundo.

Ang sabi ng madre na kumumkop sa kaniya'y nakita na lang daw nila ang sanggol na Maeve sa may pintuan sa labas ng bahay ampunan. Hindi rin nila alam kung sino ang nag-iwan ng sanggol o kung sino man ang tunay niyang mga magulang. Wala ring gustong ampunin ang batang Maeve kaya noong nag-disiseis siya'y naisipan niyang umalis at makipagsapalaran sa labas ng bahay ampunan. Doon, namuhay siyang mag-isa. May kumupkop nga sa kaniya ngunit, namatay din ito dahil sa sakit kaya wala siyang choice kung hindi buhayin ang sarili kung ayaw niyang magutom. Kahit ang kaisa-isang kumupkop sa kaniya ay walang ibang ginawa kung hindi ang saktan siya araw-araw. 'Di niya alam kung blessings in disguise ba ang pagkakasakit nito, ang mahalaga'y nakawala rin siya sa malulupit na mga kamay nito.

Habang nakatingin sa langit, hindi niya mapigilang mamangha dahil sa ganda ng buwan at mga bituin na nagkikislapan sa gitna ng dilim.

Biglang namilog ang dalawa niyang mga mata nang makakita ito ng isang shooting star.

Mariing ipinikit ni Maeve ang kaniyang mga mata at taimtim na humiling kahit alam niya sa sariling ito'y imposibleng matupad.

Ang sabi pa nga nila, try and try... Wala namang mawawala kung susubukan niya, hindi ba? Kahit maraming beses na akong humiling.

"Sana, kahit papaano'y maranasan ko ang pagbabago sa buhay ko..."

Mabilis siyang napabaluktot sa pagkakahiga nang tumunog ang tiyan, senyalis na wala pa siyang kain simula kaninang umaga.

Isang kapirasong tinapay lang ang nakain niya ngayong araw, dinukot niya pa ito sa kawawang batang kaniyang nakita tutal marami namang pagkain ito't isang kapiraso lang naman ang kaniyang kinuha.

Napapaisip din siya na kung hindi lang siya ipinanganak na mahirap, edi sana hindi siya palaging magugutom. Hindi na niya kailangan pang takutin iyong bata para lang maitaguyod niya ang nagugutom na sikmura.

Ganito nga siguro ang buhay. Pinanganak siyang mahirap, mamamatay siyang mahirap. Saklap. Malas lang siya dahil ito ang naging buhay niya.

"Hayyyy," malalim siyang nagbuntong hininga at ginawang unan ang ugat ng puno.

Suddenly I Became A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon