Villainess 1

67 3 0
                                    

Chapter 1: Within The Beauty

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1: Within The Beauty

Maeve

Mabilis akong napadilat ng aking dalawang mga mata. Sunod-sunod na singhap ang aking ginawa.

Agarang napahawak ako sa aking ulo dahil sa pagkirot nito.

Napahawak ako sa aking katawan dahil sa naalala kong huling nangyari sa akin.

B-Buhay ako? Eh? Malakas na sinampal ko ang aking sarili para masigurado kung na nanaginip nga lang ba ako o hindi. Aray! M-Masakit, buhay nga talaga ako!

Panaginip lang ba ang pagkakasagasa sa akin?

Pero masyado naman yatang masakit ang panaginip na 'yon.

"Y-Your Highness!"

Mabilis na napatingin ako sa babaeng sumigaw sa aking tabi. Nakatingin ito sa akin na para bang nakakita ito ng isang alien. Namumutla ang mukha nito habang ang dalawang mga mata nito'y nanlalaki.

"Gogo?!" napahawak ako sa aking bibig dahil sa aking narinig. A-Anong? Muli akong nagmura, baka mali ang pagkakarinig ko. T-Tama, baka mali lang ako ng dinig. "Gogo-gaga?" Halos i-umpog ko na ang sariling noo dahil sa lumabas sa aking bibig.

Tang ina, anong gogo-gaga?!

Tinignan ko ang aking mga kamay at napagtantong sobrang liit nito, kagaya sa mga sanggol-

Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa napagtanto. S-Sanggol?! Did I just fuckin reincarnate without noticing it?

So hindi panaginip ang pagkakasagasa sa akin? Namatay talaga ako?

Gusto ko na lang umiyak dahil sa sunod-sunod na nagflash back sa aking utak ang una kong naging buhay.

Namatay talaga akong v-virgin! Bakit wala manlang warning, edi sana'y nakipagjugjugan muna ako noong nabubuhay pa ako. Charot.

Sunod-sunod na iniumpog ko ang aking ulo sa pinaghihigaan ko. Nataranta naman ang babaeng nagbabantay sa akin, hindi nito malaman kung ano ang uunahin.

Ginulo nito ang kaniyang buhok at sa huli'y napagdesisyunan nitong iwan ako habang malakas itong nagsisisigaw.

"Your Highness, ang mahal na Prinsesa Lulathe!"

Ano na'ng gagawin ko sa katawan na ito?

Napatigil ako sa ginagawa kong pag-umpog ng aking ulo dahil sa pangalang binitawan no'ng babae. Prinsesa Lulathe? Kung gano'n isang prinsesa ang may-ari nitong katawan na ito? I mean isa akong prinsesa?!

Parang noon lang ay isa akong palaboy-laboy tapos, ngayong namatay ako, naging instant prinsesa na 'ko? What the fuck?

Oh well hindi na rin masama, hehehehe. Ang ibig lang sabihin nito'y makakakain na rin ako tatlong beses sa isang araw! At hindi ko na kinakailangan pang manghingi para lang may makain ako.

Suddenly I Became A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon