Chapter IX ( Sikat na ako! )

13 1 0
                                    

Chapter IX ( Sikat na ako! )

 

            POV OF Scarlet…… 

 

            One week after….

            Sumikat ang pangalan ko sa mga newspaper, t.v, social sites at sa buong campus bilang #The third party girl! Ang panget naman ng naimbento nilang title sa akin. Dumami rin ang mga followers ko sa I.G. at Twitter dahil lahat ng haters ni Cathlyn ay kumakampi na sa akin. May nag message nga minsan sa akin na ipaglaban ko raw si Prince Kai! Whahah!

            “Wow! Girl famous kana!” Sabi ni Vina.

            Nandito nga pala kami sa garden at nakaupo sa bench, malapit sa malawak na field. Sa totoo lang favorite place ko ito sa campus dahil wala gaanong dumadaan na students at guro.

            “Sumikat nga ako pero bad image naman ang lumalabas na tingin sa akin ng ibang tao!” Sabi ko.

            Simula ng matapos ang gabi ng party na yon, ay nag bago ang lahat ng routine ko sa buhay. Lagi na rin may nakasunod na mga reporters sa amin ni singkit. Lagi rin na may sumusunod ng patago sa amin at kinukunan kami ng pictures o di kaya ay video. Ganito pala ang feeling kapag artista ka whahah!

            Nag-alert ang phone ko. May text si singkit. ‘Papunta na ako dyan… wait niyo ako.’ Sabi nito sa text. Nag-reply naman ako ng ‘Okay.’.

            Ilang minutes ang lumipas ay nandito na siya at may dalang bouquet of blue roses.

            “Scarlet.” Tawag ni Singkit.

            “Oh, dyan na pala si b.f mo.” Sabi ni Vina.

            Nasa harap na naming si singkit.

            “Here, this for you.” Inabot nito sa akin ang mga flowers. Kinuha ko yong flowers at inamoy iyon.

            “Wow blue roses! Favorite ko ito!” sabi ko.

            “Mabuti naman at nagustuhan mo.” Sabi ni Singkit

            “Teka pano mo nalaman na eto ang favorite ko?” tanong ko

            “Sinabi ko! Hehehe, nag tanong kasi siya kung ano ang magandang ibigay sayo. Hehe!”  Sabi ni Vina.

            “Whaha, ganon ba, kasama rin ba ito sa mga plano mo?” tanong ko.

            Umupo sa tabi ko si Singkit.

            “H-hindi..aahm. Gusto ko lang! ---alam mo bang parehas kayo ni mama na favorite ang blue roses.” Sabi ni Singkit.

            “T-talaga..”

            “Oo, maganda daw kasi tingnan ang mga petals yong nakakarelaks daw sa mga mata pag tinitingnan.” Sabi ni singkit.

            “Nakakatuwa naman, ganon din kasi ang pakiramdam ko kapag nakakakita ng blue roses. Whaha!”

            Abala sa pagtetext si Vina kay Max. Tumatawa ito mag-isa at kinikilig din..

*THE COMMON LOVE* *(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon