Chapter XIX (The Visitor)

8 0 0
                                    

Chapter XIX (The Visitor)

 

            POV OF Scarlet……

 

            After 2 weeks…….

            Araw ng Sabado.. at may bisita na naman ako…at alam ko na kung sino… Si singkit!! Tuwing sabado at linggo ay pumupunta siya  para lang maki-kain ng meryenda at makipagkulitan sa akin! Heheh! Dito na nga rin siya nag di-dinner kapag naaabutan ng gabi! ee That’s my boy!

            Pero mukhang maaga siyang pumunta ngayon… Alas-dos pa lang ng hapon??

            Kababa ko lang ng hagdan ng sumalubong si Mama sa daan.

            “Nasa sala sila,.. Pero may bago kang bisita!” Masaya nitong sabi!

            “Si singkit po ba?” Tanong ko!

            “Puntahan mo na lang sa sala..Para malaman mo!” Nakangiting sabi ni Mama. Tumalikod na ito at pumunta na ng kusina.

            Bagong bisita? Sino?

            Pagpunta ko ng sala ay nakita kong naka-upo sila sa sofa at magkaharap sila ni Papa habang nag-uusap. Mukhang nagkakatuwaan sila tungkol sa pinag-uusapan nila.

            Nakatalikod banda sa akin ang lalaking bisita. Napansin ako ni Papa, kaya bigla itong tumayo.

            “Scarlet nandiyan kana pala!” Sabi ni Papa. Lumingon yong lalaki!

            O-M-G! Kilala ko siya! As in kilalang-kilala.

            Tumayo ito at nakangiting lumapit sa akin!

            “How are you my little cousin?” Sabi nito ay niyakap ako. Nabigla ako! It’s been a long year!

            “K-Kuya Lay?” Tanong ko na parang hindi makapaniwala.

            “Ako nga ito! Long time no see!” Sabi ni Kuya Lay.

            “Ehem! Ehem! Siguro kailangan ko mo na kayo iwanan para kayo naman ang makapag-usap!” Sabi ni Papa. Tumalikod na si Papa at umakyat nasa hagdanan.

            “Bakit ngayon ka lang nagpakita? Siguaradong matutuwa si Kuya Tristan kapag nakita ka niya ngayon!” Sabi ko.

            “Long Story,. Little cousin!” Sagot nito.

            “Summary mo! Hehe!” Sabi ko.

            Tumawa siya.

            “Teka na saan nga pala ang kuya Trish mo?”

            (Trish) ang tawag niya kay Kuya Tristan.. dahil naiinis si kuya Tristan kapag tinatawag na ganun! Whaha! Pang-asar ni kuya Lay sa kapatid ko. Mukha daw kasing pambabae ang pangalan! Heheh!

            “May practice kasi ng basketball ngayon si kuya! Kaya mamaya pa makaka-uwi yon!” Sagot ko.

            “Ganon ba, sayang naman.”

*THE COMMON LOVE* *(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon