Kaibigan lang
May mga pagkakaton sa buhay natin na sa hindi natin inaasahang lugar at pagkakataon ay may makikilala tayong isang taong makakakuha agad ng ating atensiyon. Isang taong bigla na lang hindi maalis sa ating isipan. Isang taong nagpapagaan bigla ng ating pakiramdam.
Itong kwento na ito ay isang kwento na nagpapakita sa nangyayari sa isang relasyon. Love story ba? Parang.... Pero kwento ito ng isang lalaking na-friendzone...
Stage 1 Discovery
Nakatunganga sa kawalan sabay bigla na lang tatamaan ng bola. Hays, ilang beses na akong tinamaan ng bolang yun. Sisipain ko na nga sana, kung hindi ko nakita yung may-ari...... Mukhang di lang pala bola ang tumama sa akin, kundi pati palaso ni Kupido.
Sa paglipas ng mga araw patuloy ko siyang sinubaybayan, binantayan, inaalam kung ano na ang nanyayari sa buhay niya. Parang stalker ba? Pero syempre hindi ko naman tatawagin ang sarili ko na ganon.
Hindi lang pala panlabas na kaanyuan ang maganda sa kanya, pati pala ang kalooban niya. Kaso may problema, akala niya karapat-dapat yung lalaking pinaglalaanan niya ng kanyang oras. Bakit niya kaya pinagtitiisan yung lalaki na yun? Bakit niya pinagpipilitan ang sarili niya sa taong pilit inilalayo ang loob niya sa kanya? Labo 'no? Pero malay natin mahal niya talaga. ?
Alam mo hindi talaga ako nakikialam sa problema ng iba, pero sa pagkakataong ito... Malakas lang ang loob ko, pero pagdating sa ganito? Hahaha... Grabe sakit ng katwan ko.
Step 2 Companionship
Sa pagkakataong ito nangialam ako sa problema ng iba. Tinanong ko siya kung bakit ba siya nagtitiis sa lalaking yun?
Eto yung mga oras na masakit dahil nakikita mo na may hinanakit siyang nararamdaman at sa mga pagkakataong ito nakikita mo yung side kung saan talaga siya mahina. Sa totoo lang nalulungkot ako kapag may nakikita akong babaeng umiiyak. Pero mas nakakalungkot kapag siningahan niya yung nag-iisa mong panyo. XD sa mga oras na ito kailangan mong makinig sa mga sinasabi niya. Hayaan mo lang ilabas niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. At sa mga panahong ito kailangan niya lang ng pag unawa. Yun nga lang hindi siya katulad ng ibang babae eh. Talagang dama mo talaga yung sakit na nararamadaman niya. Suntok-suntukin ka naman ba?! At kahit parang naging punching bag ka ni Paquaio sa mga pagkakataong ito hindi mo pa rin maiaalis sa sarili mo yung pakiramdam na nagkaroon siya ng tiwala sa'yo.
Stage 3 Hesitation
Eto yung mga oras na parang biglaan ang mga nangyari. Parang sumikat muli ang araw pagkatapos ng isang napakalakas na unos. Bigla na ulit siyang naging masayahin. Bigla na rin siyang naging masigla at gusto kang makasama kung saan saan. Napakahirap isipin, malay mo gusto ka lang talaga niyang maging masaya? O makalimot? O malay mo din gusto ka rin ba niya? O siguro nagkataon lang na ako ang nandito.. Hays, mahirap mag-assume at ayoko rin. Mahirap lang masaktan, pero alam ko sa paglipas ng panahon naghihintay pa rin ako at umaasa at nagbabaka-sakali.
Stage 4 Sincerity
Eto yung mga oras na magiging natural ka. Babasagin mo na yung pader na naghaharang sa totoo mong nararamdaman. May pagka-wierd pero atleast totoo ako sa kanya. Kung anu-anong pinaggagawa mo. Kung tutuusin nakakahiya pero masaya naman eh, dahil masaya siya. At ganun ka rin. At syempre dadating din sa point na magiging ganun din siya.. Ang weird 'no? Pero sa totoo lang nakakatuwang isipin na natural kayo sa isat-isa. Pero bakit pakiramdam ko napaka kumplikado ng sitwasyon.?.
.
.
.
.
.
.
.
.
~ Pagkatapos ko siyang ihatid sa kanila, napadaan ako sa isang eskinita. Ikinagulat ko ang aking nakita. Sinubukan kong tumakbo kaso hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Pinalibutan nila ako't pinagbu-bugbog, pinagsi-sipa, dahil siguro sa pangingi-alam ko sa problema nilang magkasintahan. Kaya ko naman tiisin ang lahat ng sakit eh, suntok at sipa. Ang hindi ko lang kaya.... [Putok ng baril...]
-
-
-
-
Pero teka, paano kung hindi ako namatay? Hahaha..XD
Stage 5 Hope
Mala-pelikula na ang nangyari. Naaayon ang lahat sa kagustuhan mo. Almost perfect! Almost there!. Kung tutuusin parang lahat may kahulugan. Kung paano siya magsalita, kung paano siya gumalaw, kung paano siya ngumiti. Nararamdamn kong malapit na konti na lang at nandun na. :)
Hiling ko lang sana hindi ako nagkamali sa mga pakiramdam ko. Sana hindi lang hanggang dito. Parehas nga ba kami ng ng nararamdaman? At kung parehas nga ba kami ng landas na tinatahak? Sana magkaroon ako ng lakas ng loob, sana magkaroon ako ng tsansa na masabi ko ang aking nararamdaman.
Stage 6 The Drop
Dumating ang araw na handa ko nang sabihin ang lahat. Ang lahat ng aking nararamdaman para sa kanya.
Noong araw na yun nagkabalikan na pala sila. Sakit 'no? Ano ba kasing iniisip ko? Ay, Oo nga pala magkaibigan nga lang pala kami. Kaibigan lang pala ang turing niya sa akin. At umasa ako na hindi hanggang doon lang, nagbabakasaling humigit pa. Pero kung sa bagay dumating ako sa buhay niya noong mga oras na nasaktan siya.
Sabihin na nating nagpasaya sa kanya at dumating ako sa oras na kinailangan niya ng taong masasandalan, nagsilbing tainga na nakikinig sa bawat pighating nararamdaman niya. Parang band-aid na may kasamang betadine. Pero sa totoo lang ako yung naging. PANAKIP BUTAS. Pinaganda lang ang tawag.
... So ngayon nandito na naman ako, nakatunganga't nagmamasid, nagmumuni-muni ng mga bagay na malayo sa katotohanan at pilit iniiwasan ang mga bagy na pwedeng dumating sa aking buhay. Alam ko kasi na hindi pa naghihilom ang sugat na idinulot ng nakaraan. Pero kahit anong iwas ang gawin ko may nakalusot talaga eh.
"Aray!" Hay naku. Tinamaan na naman ako ng bola.
Ano handa ka na bang bumalik sa simula? O sisipain mo na lang ito palayo?
Stage 7 New Beginning
..........................................................................
BINABASA MO ANG
Paano? How?
RandomPaano nga ba manligaw? Iyan ang common na tanong na maririnig mo sa mga taong umiibig. Para sa akin ang panliligaw hindi naman kailangan ng maraming pera o mga ileganteng regalo. Ang kailangan lang nito ay maraming-marming oras at panahon. Di ko nam...