STEPS...

143 5 5
                                    

Step # 1

Bago ka manligaw, kailangan mo munang kilalanin yung napupusuan mo, kasi malay mo infatuated ka lang. Na akala mo mahal mo siya yun pala gusto mo lang.

Step # 2

Alamin mo yung mga bagay na gusto niya, yung mga bagay na paborito niya na hindi ka lumalabas na stalker at higit sa lahat wag kang masyadong papansin, na idadaan sa pang-aasar para makuha ang atensyon niya. Kasi mga bata lang ang gumagawa noon.

Step# 3

Kaibiganin mo muna yung tao, dahil sa tingin ko ito lang yung pinakamadaling paraan para magkaroon ka ng parte sa buhay niya. Hindi ko naman sinasabing mag-take advantage ka sa pagkakaibigan ni'yo dahil para sa'kin mas mahirap ang magmahal ng mga stranger o taong hindi mo kilala, Ikaw ba? Kaya ming magmahal ng taong 'di mo kilala?

Step # 4

Ang mga babae medyo clumsy kaya importante na kapag kinakailangan nila ng mga taong makakasama. Ng taong masasandalan. Importanteng nand'yan ka para maglaan ng panahon para sa kanya. Hindi ko naman sinasabing maging buntot ka niya at sundan mo siya kung saan man siya magpunta. Basta para kang si Superman o Batman at kung sino pa man na dumadating sa mga oras na kinakialangan.

Step # 5

Wag kang matakot sa mga babae. Dahilan ang mga babae likas na may halong katarayan sa katawan. Mahilig silang magkilatis ng mga tao. Bago sila magbukas ng pinto para makapasok sa buhay nila. Dahil sa mga panahon ngayon kailangan nang mag-ingat.

Ang mga babae hindi lang talaga showy sa mga nararamdaman nila kaya kung minsan kung ano yung ipinapakita nila sa'yo 'yun yung kabaligtaran. Girls are very unpredictable, you'll never know when they're showing their true emotion or what so ever. Yan ang sabi ng kaibigan ko. Kaya sa tuwing kakausap ka ng babae titigan mo siya sa mata.Kasi ang tunay na lalaki hindi lang nakakakita, nakakaramdam din.

Step # 6

Pa'no nga ba umamin sa isang taong ng mga nagugustuhan mo? Oo mahirap umamin lalo na't dahil nandito yung tinatawag nating takot at hiya na baka ma-reject ka. Natatakot na baka masaktan ka. Pero kung gusto mo talagang malaman niya ang totoo kailangan mo itong sabihin kasi pa'no ka makakausad kung hindi ka naman gumagalaw? Paano mo malalaman kung hindi mo gustong sumugal. Lagi mong tatandaan na wala pang nanalo sa Lotto na hindi tumataya.

Kapag aamin ka wag kang paligoy-ligoy pa. Dahil isa rin lang nan ang patutunguhan niyan eh, at wala ka sa telenovela para magkaroon ng dramatic na background music bago sabihin yung salitang "MAHAL KITA". Basta ipakita mo na sincere ka sa mga sinasabi mo. At ito yung pinakaimportante sa lahat, magpakatotoo ka at ipakita mo na sincere ka sa mga sinasabi mo at ginagawa. Dahil sa mga babae madali lang masaktan. Hindi ko naman sinasabing mahina sila, sadyang malambot lang talaga ang kanilang damdamin. Kinakailangan mo rin silang ingatam at pangalagaan sa abot ng iyong makakaya. Tandaan: Pag nakuha mo ang loob niya at naging kayo, importanteng kung ano ka noong naliligaw ka pa lang dapat ganun ka pa rin kapag naging kayo na. Kasi may mga instances na sinasabi ng mga babae na. "Sa una lang mabait, sa una lang pursigido, sa una lang gan'to ganyan. At noong naging kami na, wala na lahat". Hindi na sugal ang tawag d'yan.

Sa mga babae dapat matuto rin tayong magkilatis ng tao dahil kailangan nating mag-ingat sa mga taong pinapapasok natin sa buhay natin. Sa mga taong ine-entertain natin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Alam mo ba kung bakit tayo tinuruan ng mga magulang natin ng CLOSE-OPEN??. Kasi para malaman natin kung kailan tayo maglelet go at magho-hold on..

:)

Paano? How?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon