Noong isang araw may nagtanong sa akin, ang tanong niya.." Pano po ba makalimot?" Napaisip ako saglit sabay sagot sa kanyang tanong.. "Simple lang, wag mo siyang isipin." Malamang kung ikaw ang sinabihan ko niyan siguro ang sagot mo." Madali lang yan sabihin pero mahirap gawin." Sa totoo lang hindi naman mahirap makalimot, ang mahirap ay ang tumanggap. Tumanggap ng isang pangyayari ni minsan ay hindi natin gustong mangyari sa'tin minsan. Bigla-bigla na lang masisira ang lahat. Ni hindi natin alam kung bakit nangyayari sa atin ang mga ganito. May mali ba tayong nagawa? May nasabi ba tayong mali para masira ang isang pagsasamang iningatan natin nang lubos-lubos. Pero paano nga ba makalimot? Paano nga ba mawala sa isip mo ang isang taong naging laman ng puso at isip mo nang pagkatagal-tagal na panahon? Simple lang, tulad mg sagot ko sa kanya. Huwag mo siyang isipin. Napakabasic diba? Pero ang daming pwedeng sabihin pinaikli ko lang. Ang daming pwedeng gawin sa buhay. Ang dami mong pwedeng gawin. Maglaro ka! Lumabas ka ng bahay! Lumipad kasama ang mga kaibigan! Pumunta ka kung saan- saan! Tigilan ang pakikinig sa malungkot na musika! Iwasang bimisita, sumilip sa mga bagay na tanging nagagawa lang ay magpaalala sa kanya . Tandaan mo, nawawala sa isipan natin.Ang isang bagay lalo na kapag may ibang bagay na tayong iniisip. Mga bagay na gusto mating gawin. Mga bagay,tao ma ngayo'y nagpapasaya at nagpapangiti na sa atin. Hindi man nila ganap na mapawi ang sakit na ating nararamdaman. Maswerte ka pa ring may taong nandyan para damayan ka sa mga panahong tulad nito. Alam mo, minsan ikaw lang din naman ang nagpapahirap sa sitwasyon mo. Nagtataka ka kung bakit di ka makausad. Huwag mong isiping hindi mo kaya. Huwag mong isiping hindi mo magagawa kasi kailangan mong maniwalang kaya mo. Kaya mong makabangon ulit. Kaya mo ulit kung gugustuhin mo lang. Wala rin namang makakatulong sa sarili mo kundi sarili mo lang. Dahil maraming taong handang tumulong sayo, pero kung ikaw mismo ay hindi mi tutulungan ang sarili mo..wala din. Sayang lang din ang para pagod at effort na ginagawa nila para sayo. Kapag lagi mong sinasabing mahirap gawin ang isang bagay, mahihirapan ka talaga lalo. Kapag lalo mong iniisip ns kakalimutan mo siya, mas lalong hindi mo siya makakalimutan. Alam mo kung bakit? Kasi sinasabi mo lang hindi mo ginagawa. Sabihin na nating mahirap makalimot pero tandaan mo ring maraming paraan para maging masaya hanggang sa matanggap mo na ang lahat. Matanggap mo na ang lahat ng bagay. Lahat ng bagay na wala na. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Lilupas din ang lahat. Babalik ang sigla at ngiti. Mapapawi ang lahat ng sakit na nadarama. Makatutulog nang mahimbing. Mananaginip ng masaya. Makakabuo ng isang bagong pangarap. Pangarap makasama ang isang taong nakakaalam ng ating halaga. Isang taong magagawa tayong pasayahin. Hindi lamang sa salita kundi pati sa gawa. Dahil siya yung taong nararapat para sa atin. Late nga lang siyang dumating. Uulit-ulitin kong sasabihin sayo magpaksaya kasi nararapat kang maging masaya. Alalahanin mong may isanf taong ring nalulungkot nalulungkot ka, nasasaktan dahil nasasaktan ka. Hindi mo man siya ngayon mapapansin dahil malabo sa iyong paningin dulot ng luha sayong mga mata pero darating ang araw. Darating rin siya. Darating rin siya dala ang panyong papawi ng lahat ng sakit na nararamdaman. Konting tiis lang. Konting paghihintay lang. Pasensya lang. Walang gamot sa pusong nagdurusa kundi panahon.... :)
BINABASA MO ANG
Paano? How?
عشوائيPaano nga ba manligaw? Iyan ang common na tanong na maririnig mo sa mga taong umiibig. Para sa akin ang panliligaw hindi naman kailangan ng maraming pera o mga ileganteng regalo. Ang kailangan lang nito ay maraming-marming oras at panahon. Di ko nam...