Chapter 4: Throwback

79 2 2
                                    

Chan-hae's POV

Inaya ako ni Ethan pumuntang Starbucks para dun magstay. Buti naaalala nya pa na dun ako lagi dati tumatambay pag malungkot ako.

"So, kamusta ka na?" pagtatanong nya sakin.

"O-okay lang naman." medyo nabubulol na ako dahil may subo-subo pa akong pagkain. Nilunok ko na ang kinakain ko at nagsalita ulit.

"Ikaw, kamusta ka na?" 

"Okay naman, namiss kita." namiss niya ako?! kaya pala siya nagulat sa sinabi ko kanina.

"Ahh." yun lang huli kong nasabi dahil wala akong maisip kung anong sasabihin ko.

"Nagalit ka ba sakin dati dahil iniwan kita?" oo nagalit ako! pinaalala mo nanaman. Nasasaktan pa rin ako tuwing maaalala ko iyon.

"Uhm. Hindi naman, tampo lang siguro." galit ako! Oo galit talaga! Iniwan mo kong luhaan.

''Ahh. Mabuti naman.'' So ganun ganun lang? Hindi ka lang ba magsosorry saakin? -.-

''May sinabi sila Krystal saakin dati na dahil daw umiyak ka dahil sakin. Kasi m-mahal mo daw a-ako?'' Ano?! Sinabi sakanya yun nila Krystal?! Mga traydor :''

''Ah oo. Madaya ka kasi noon eh.'' Sabay pout ko. 

''Alam mo bang minahal din naman kita dati pati nga....''

''Ay wait may tumatawag!'' Napatigil siya nung narinig niya yung ring ng phone ko kaya hindi ko narinig yung huliniyang sinabi. Panira yung tumawag. -.-

''Hoy Chan-hae! Saan ka ba nanggaling ha?! Bumalik ka na nga dito! Pinag-aalala mo kami eh! Tutuktukan na talaga kita!'' Sunod-sunod na sabi nila Kyrene at Krystal sa phone. 

''Tss. Oo na! Urusai! (Shut up)!'' Binaba ko na yung phone ko nakakahiya naman kay Ethan. 

''Uy sorry ah! Ano ulit yung huli mong sinabi?''

''Ah wala na yun. Ano tara na? Hinahanap ka na nila eh.'' Pag-aaya niya saakin. 

''Ayoko muna. Gala muna tayong dalawa. Hehe ok lang ba?'' Tanong ko. 

''Ah.. Si-sige!'' Natuwa naman siya sa sinabi ko. Pumunta kami sa park na malapit sa bahay namin. Naupo ako sa damuhan pati na rin siya. 

''Naalala mo pa tong lugar na to?'' Dito kasi kami lagi pumupunta pag bored kami. Tambayan namin to. Dito nga rin ako umiyak ng umiyak nung iniwan niya ako eh. Dito ko siya hinintay kasi baka sakaling dumating siya. 

"Ah oo! Naaalala ko pa yung naglalaro tayo dito. Tapos napagkakamalan pa tayong mga syota ng mga tao eh. Hahaha." Nawala bigla yung ngiti sa mukha ko nung sabihin niya yun. Feeling ko kasi nasasaktan parin ako sa mga alaalang yun.

'Ay? Pinaalala pa. Kinalimuutan na nga eh!' Yan yung gusto kong sabihin sa kanya! Tss

''Ha-ha. Oo nga!'' Yun nalang yung nasabi ko. Ayokong malaman niya yung halo-halong nararamdaman ko ngayon. 

Marami pa kaming ginawa sa park. Nagpakaisip bata pa nga kami sa paglalaro dun eh. Haha. Halos pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa ingay namin. 

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig'' Bigla namang may kumanta.

Napatigil kami sa pag-lalaro nung narinig namin yun. Muling ibalik?! Tsss. Bakit ngayon pa?

"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal."  Oww! Naging mas awkward tuloy nung tuloy-tuloy yung pagkanta. -.-

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig sayang naman ang ating nakaraan." Sayang?! Tss. Kainis.

My Sweet EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon