Chapter 7: Tantrums

50 2 1
                                    

Keith's POV

 "Oh ano pang hinihintay mo? Go, bumaba ka na!" sabi ko habang nakatingin sa kanya and for sure hindi yan aalis.

*BOOOGSH!*

Aba, umalis nga! Habulin ko kaya? Ay! Huwag na pala baka patayin pa ako nun eh. Kaso baka naman maligaw sya at ako pa yung sisihin ng dad nya, lagot ako.

Bumaba ako ng kotse tsaka hinabol sya at hinablot ko ang kamay nya.

"Oy Chan sorry naaa, niloloko ka lang eh." sabi ko sabay pout haha -_- 

"Huwag ka ngang magpout dyan! Hindi bagay sayo. Mukha kang isda na nagpapacute!" sabi nya sabay hablot ng kamay nya.

"Tsaka diba sabi ko huwag mo kong  tatawaging Chan? Hindi nga bagay!"

"Ang cute kaya, Chan." sabay tawa ko.

"Tse! Aalis na ko!" sabay alis nya, aba playing hard to get >____

Hinabol ko sya ng hinabol hanggang makapunta kami sa isang parang..... g-gubat?

"Chan! Hintayin mo ko!" sigaw ko sakanya. Hinihingal na ko -_-

Chan-hae's POV

"Chan! Hintayin mo ko!" hindi ko sya pinapansin at tumatakbo lang ako ng tumatakbo.

Di ko alam kung bakit ako tumatakbo. XD joke lang! nakakainis kasi akala mo kung sino!

Tumigil ako sa pagtakbo para huminga, medyo hinihingal na ko eh. Si Keith din tumigil sa pagtakbo pag lingon ko. Hinihingal na din sya eh.

"Pabayaan mo na kasi ako gusto ko lang magpahangin kaya ako pumunta dito."

"Oh? So? Bakit ako rin naman eh. Magpapahangin."

"Ang hangin mo na nga, magpapahangin ka pa." bulong ko.

"Anong sinasabi mo Chan?"

"Wala, once na nasabi ko na hindi ko na uulitin!" and I gave him a bored look.

"Halika na, baka maligaw tayo, buti na lang tanda ko pa dinaanan natin pabalik sa kotse." sabi nya sabay lakad pabalik.

...

2 hours na kaming naglalakad, mukhang tange tong lalaking to! Ang yabang! Sabi nya alam niya daw kung saan paalis dito sa gubat pero 2 hours na kaming palakad lakad -_- di pa din kami nakakaalis.

Yung totoo?!

"Uy Keith nasaan na ba tayo? Bakit di pa din tayo nakakaalis?" sabay kalabit sa kanya.

"Uyy, Keith! nasan na tayo?" sabi ko ulit sa kanya.

"Ah... eh..."

"Ano? Sasagutin mo ba ko o sasagutin?" haha no choice sya, pareho pagpipilian eh :p

"Ah... O-oo naliligaw tayo eh."  sabay kamot nga sa ulo.

"ANOOO?!" sigaw ko.

"Geez! Kahit kailan ang ingay talaga ng bunganga mo!"

"Alanagan maingay kase nagsasalita." tsaka ako nag rolled eyes. totoo naman diba?

"Paano na yan?!  Baka mastuck tayo dito!" nagsimula na akong nagpanic kase baka may mga aswang or paniki dito sa kakahuyan na toh. x___x

"Chill ka nga lang dyan! makakalis rin tayo dito. tiwala lang." sabay pat nya sa ulo ko.

"Paano ako magchichill?! Eh, baka hindi na nga tayo makaalis dito!! Mamaya nandito na pala sa gubat na toh yung mga monggoloid sa wrong turn."

My Sweet EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon