Keith's POV
Sunday na ngayon at nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa labas, kahapon buong araw lang akong nakakulong sa kwarto at nag-iisip kung paano ba ako mapapatawad ng Chan-hae na yun. Ewan ko ba bakit ko ba siya iniisip? Nakokonsensya lang ata ko. Oo, siguro, baka, ewan? Basta hindi ko na alam, mababaliw na ata ako ah?
*knock knock*
"Sir Keith! Gumising na ho kayo, nakapagluto na ho ako ng kakainin nyo."
"Okay sige manang." sagot ko ng inaantok antok pa.
Bumanggon na ako at naligo muna bago bumaba. Hanggang sa pagligo at pati pagkain ko ba naman maiisip ko pa din yung nagawa ko kay Chan-hae? Ka-stress naman! Hindi dapat ma-stress ang mga gwapong katulad ko eh.
Ano bang effective na gawin para mapatawad na ko ng Chan-hae na yun? Kinuha ko ang phone ko at pinapunta ko sila Ethan dito, namiss ko din magbasketball eh. Maya-maya biglang bumukas pintuan ng kwarto ko at sabay-sabay silang tumalon sa kama ko. Sanay na ko sa mga to tsh. Pero bigla nanamang pumasok sa isip ko si Chan-hae.
"Mga brad, tinatamad na ko maglaro sorry." sabi ko sa kanila at binuksan ko na lang yung tv para manuod kami.
"Huy Keith! Ano't tulala ka?" nakakagulat ah aba. Si Chan-hae may kasalanan nito eh tsh kabwiset.
"A-ah ano ba?! Eh kasi si ano si Chan-hae hindi pa din ako pinapatawad. Nagmamatigas pa takte! Sa gwapo kong 'to?"
"Ngayon ka lang nagkaganyan Keith ah?" sinngit ni Liam.
"Manahimik nga! Eh nakokonsensya lang ako wag ka ngang ano dyan!"
"Eh ano na? Ano ng balak mo?"
"Teka kailangan ko ng tulong niyo, pati ng mga bestfriend nya. Puntahan natin sila bukas ng umaga sa school okay ba?"
Kunyari pang nagisip 'tong sila Liam pero pumayag din haha mga abno!
"Sabihan nyo yung dalawang bestfriend ni Chan-hae na dalhin sa gym si Chan-hae, 1pm naman uwian natin simula bukas eh. Buong week tayong maaga aga uwi dahil tuesday until friday may intrams tayo whahaha sarap buhay!"
"Okay kami na bahala dyan ni Ethan, diba Ethan?" pagprisinta ni Marko. Pumayag naman si Ethan na kanina pa tahimik. Pipi na haha loko lang.
"Kayong dalawa Liam sumama kayo sa akin bukas ng uwian kayo magsasara ng gym. Paalisin niyo mga tatambay doon kung meron ha?" nagthumbs up naman sila.
"Ako na bahala sa gagawin ko. Basta isara nyo yung gym kapag naandoon na siya sa loob ah. And umuwi na kayo, pauwiin niyo na din yung ibang studyante. Is that clear?"
"Opo boss klarong klaro!" sabay sabay nilang sagot habang natatawa tawa pa, mga mokong talaga 'to.
"Tse! At oo nga pala itetext ko kayong apat ha kapag bumalik na kayo sa school, aba syempre walang magbubukas ng gym. Sabihin nyo din sa guard na gagamitin natin yung gym kaya huwag na nyang icheck bago sya umuwi ha?"
"Okay sige na uuwi na kami brad. See you tomorrow good luck sa plan mo haha." paalam nila Liam, tapos lumabas na sa kwarto ko.
Nagbihis ako ng pang-alis. Sasaglit lang ako sa mall para bumili ng kung ano man pwede ibigay ka Chan-hae. Ayoko ng bulaklak baka malanta agad.
Nakakita ako ng isang jewelry shop, kung sing-sing bibilhin ko baka hindi magkasya sa daliri nya. Kung bracelet naman baka maliit o malaki naman sa wrist nya. Ah edi dito na ko sa necklace, para naman sigurado sayang naman bili ko kung hindi kakasya sa kanya diba? Kahit mayaman family ko marunong pa din akong manghinayang. 3k din tong napili kong necklace eh nako ewan ko na lang kung hindi nya pa ko mapatawad.
BINABASA MO ANG
My Sweet Enemy
Novela JuvenilSi Kieth Skyler ay isang bad boy. Away dito, away dun. Kahit saan nalang ata napapaaway siya. Ganun siya kabad boy..... Pero paano pag may babaeng dumating sa buhay niya? Yung babaeng makakaaway niya lagi. Turing niya dito ay isang kaaway. Pero paan...