CHAPTER 16

765 30 3
                                    

CHAPTER 16: GRIEF

Katulad nga ng sinabi ni Mr. Hayatou kahapon, maaga akong pumunta sa kanyang opisina. Ibinigay niya sa akin ang isang envelope. Ayon sa kanya, dalawang papel ang nasa loob nito. Ang isa ay para sa kanilang dalawa ni Dean habang ang isa ay ang mensaheng ipu-publiko at kasama na roon ang Yugen Class A na hindi makakaalam na buhay pa ako. 
Bumalik ako ng aking silid at dumiretso sa kama. Naupo ako doon at saka kinuha ang dalawang papel sa loob ng isang envelope. 

To Yugen University
To Mr. Hayatou and Dean

I open the letter for Mr. Hayatou and Dean, napabuntonghininga ako at saka uto sinimulang basahin. 

Pasensya na kung kaagad akong nawala kasama si Sorin – ang aking anak. I am very sorry to send these letters after the battle. I temporarily erased Sorin's memories for her to heal. I am doing this for my daughter. Please, kahit sa ganitong paraan hayaan niyo akong  makabawi sa kanya. She risks her life to save the university. Let me save my daughter this time. We will be back once I noticed it is necessary when the healing time is enough. Nakikiusap ako na wag nang sabihin ito sa Yugen Class A, hanggat maari ay patayin sa kwento si Sorin. We're not sure if another traitor is chasing our Class A's life. 
Dean, I am very sorry for this but I already signed my resignation letter. The letter is under your table. I know, it will happen. Let me save and heal my daughter for her loss. 

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa unang mensahe na walang ibang laman kundi ang paliwanag na kailangan ko munang magpahinga, kailangan muna ako ni Papa na itago para maging ligtas at tuluyang gumaling mula sa mga natamo ko sa Battle of the Class. 

Ang pangalawang mensahe ay para sa Yugen University, kung saan ipinahayag ang pagiging panalo nito sa Battle of the Class ngunit hindi binanggit angbtungkol sa kalagayan ng Yugen Class A. 

Napatulala ako sa mensahing aking mga nabasa. Itinago nila ang tunay na nangyari. Bigla akong may naalala kasama ng mga lumang gamit ko. Dali-dali akong pumunta sa cabinet at kinuha ang kahon sa ibaba. Kinuha ko ang mga papel na nakalagay rito lalo na ang isang published newspaper. 

Napatakip ako sa aking bibig. 
Pinalabas na nagkaroon ng pagsasabotahe sa loob ng unibersidad na mayroon namang katotohanan ngunit hindi ko na kinaya ang mga sumunod na nakasulat. 

Ayon sa dyaryo ay pinasabog at sinunog ng mga hindi kilalang salarin ang ilang bahagi ng unibersidad. sinunog ang ilan sa mga silid-aralan. Ang Yugen Class A ay nagwagi sa patimpalak ngunit hindi na nakabalik pa. Hindi naman sinabi ang dahilan ngunit kapansin-pansin na ang ibang detalye gawa-gawa lamang at walang katotohanan. 

"Sino ang mga editorial staff ng Yugen University?"

Agad kong kinuha ang cellphone at saka nag-dial, tinawagan ko sina Verux at  Thalia at itinanong kung sino ang mga nasa editorial team but they really don't know. She even said that no one knows about this team but they surely formed to create news and articles for the university. 

Itinabi kong muli ang dyaryo sa kahon at ibinalik ito sa cabinet. 
Nagluto ako ng makakain. Hindi maalis sa aking isipan ang mga tanong. 
Kumain ako ng pananghalian at pagkatapos ay nahiga habang nagbasa-basa ng libro. Nguniy kahit anong gawin ko hindi maalis sa isipan ko ang mga tanong sa isip ko. 

Napatitig ako sa light bulb ng aking kwarto hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang antok. 

MAHIGIT dalawang oras rin akong tulog, pagkagising ko ay agad kong hinanap ang cellphone ko. Binuksan ko ito at may isang message ang nasa notification. Dali-dali akong bumangon at nag-ayos sa sarili. Kinuha ko ang dalawang letters na isinulat ni Papa. 
Nag-dial ako ng number, ilang beses na itong nagri-ring ngunit hindi pa rin niyabito sinasagot. 
Naglakad ako nang mabilis, may mangilan-ngilan na estudyante ang nasa paligid hanggang sa magkagulatan kami ni Verux. 

YUGEN: The Last Crusade - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon