Theo's POV
Hello, sa wakas naka-POV na rin ako! Hahaha. Hello! Ako nga pala si Theo Justine Mendez, 19, Engineering Student, bunso saming pamilya, happy-go-lucky pero seryoso magmahal. :)
Nga pala, may sekreto ako!
Gusto nyo bang malaman?
May gusto akong babae. Simula noon hanggang ngayon, sya at sya pa rin. Iba sya sa ibang babae eh. Magada, mabait, matalino at maalaga.
Ready na ba kayo sa kwento ko?
Sige, eto na....
Nakilala ko sya noong sophomore ako. Freshmen kasi sya noon sa school. Kasama ko noon ang mga kabarkada ko at naghahanap kami ng mga "chicks". Yung maganda at sexy! Syempre, lalake eh kaya natural na lang yung mag check kami ng mga babae. ;)
Ang daming "chicks" nun! Eto talaga ang gusto namin kapag first day ng school eh dahil maraming freshmen na magaganda.
Hanap kami ng hanap hanggang sa may nakita kaming tatlong magagandang babae. Sakto dahil tatlo rin kaming magbabarkada. At dun ko "siya" nakita!
Simula nun, palagi ko na syang minamasdan sa malayo. May pagka-torpe kasi ako eh. Para na akong stalker nya! Alam ko ang pangalan nya, kung anong course nya, kung ilang taon na sya, kung sinong mga kaibigan nya, mga paborito nya, kung saan sya nakatira, kung saan sila gumagala ng mga kaibigan nya, kung ano ang mga gusto at ayaw nya. Alam ko halos lahat ng tungkol sa kanya.
Pero kahit mahal na mahal ko sya, nahihiya pa rin akong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Parang wala ata akong pag-asa sa kanya. Pero handa na akong magtapat sa kanya ngayon pero hindi ko lang alam kung kailan.
Graduating na kasi ako at ganun din sya. Tapos sinuwerte pa akong maging classmate sya sa minor subject ko. Sinadya ko talagang maging classmates kami. Alam ko kasi ang mga subjects na kukunin nya. Siguro "sign" na yon na sabihin ko na matagal na akong may feelings sa kanya.
Matatanggap nya kaya ako? May pag-asa kaya ako sa kanya? Magiging kami kaya o magiging "hopia" ako?
------------------------------------------- Author's Note ---
O, ayan. Medyo hindi na mysterious si Theo diba? Alam nyo na ngayon kung sino sya. :)
Pero sino kaya ang babaeng gusto nya? Ako kaya yun? Hahahaha. Pero hindi yun pwede dahil hindi naman ako kasali sa casting! Malalaman nyo din yun sa tamang panahon. :)
Sorry kung may mga mali sa chapter na to. :)
Btw, Theo Justine Mendez on the media. :)
VOTE. COMMENT. FAN.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Jerk
Teen FictionBilyon ang tao sa mundo. Marami kang pwedeng makilala. Pwede silang maging bahagi ng buhay mo o magkakaroon ng malaking parte sa mundo mo. Jerk sya. Isang GAGO. Simula pa lang ng makilala ko siya, alam ko na yun. I'm just an average girl who wants t...