Robbie's POV
Hi! Alam ko kilala nyo na ako dahil alam kong naikwento na ko nina Ands at Liz sa inyo, sa daldal ba nilang dalawa? :)
Ako ang tahimik saming tatlo pero hindi naman ako ganun katahimik. Hahaha. Noon siguro madalang talaga akong magsalita pero ngayon hindi na masyado. :)
Thanks to Ands :P
Nga pala, iba-iba kami ng course pero may mga minor subjects kami na pareho kaya inarrage na lang namin yun para pareho ang mga vacants at ibang class namin. Mabuti na lang at walang conflict. :)
Si Ands, Business Management. Si Liz, Fashion Design. Ako naman, Accounting Technology. O, ang taray naming tatlo diba? Nakukuha pa naming gumala kahit na graduating na kami. Hahahaha. Ganun talaga eh, kapag importante sayo, gagawa ka talaga ng paraan para magkatime ka sa kanya. :)
Kakauwi lang naming tatlo. Nagmalling kasi kami. Kakapagod pero ok lang kasi memories na naman to naming tatlo eh. Gagraduate na kasi kami next March kaya sinusulit na namin ang time namin together. :)
"O anak, adyan ka na?" sabi ni mama.
"Opo ma, kakarating ko lang po. Sorry po kung nagabihan na ko." sabay mano ko sa kanya.
"Ok lang. Nag text ka naman eh tsaka kasama mo naman sila ni Andie at Lizzie. Alam ko namang hindi ka nila papabayaan. :)" sabi ni mama.
"Thank you ma! :)
Teka po, san po sila ni papa, kuya Rush at si Rave bunso?" tanong ko kay mama.
"Ah, tulog na sila anak. Gabi na rin kasi. Inintay lang talaga kitang dumating." sabi ni mama na nakangiti.
"Awww, thank you mama." sabay hug. "Sige na ma, ako na po ang papatay ng mga ilaw. Matulog na ho kayo, alam ko namang pagod na kayo kaiintay sakin. Hehe. Goodnight po." sabay kiss ko kay mama.
"Sige anak, ikaw na bahala dyan ha? Salamat."
Umakyat na si mama at naiwan na ako sa sala. Pinatay ko na ang mga ilaw. Umakyat na ko sa kwarto ko at nag half-bath.
----------------------------------------Lizzie's POV
I'm at my room at naisipan ko to call Robs. I have something in my mind kasi and she's the only one that can help me. Kaya lang ang tagal nyang sumagot. Kanina pa ring ng ring yung phone nya, baka she's sleeping na. :(
Tinry ko ulit and at the third ring, she finally answered!
"Hello, Liz? Bat ka napatawag? Gabi na kaya. Hindi na ba mapapabukas to?" tanong nya.
"Hindi. I have a plan kasi for that Theo guy. I really feel that he wants to be close to Ands at I don't think that he's a good guy for her. Gusto ko lang na safe si Ands. Btw, what took you so long sa pag answer ng phone mo?" litanya ko.
"Kasi nag half-bath pa ho ako miss Lizzie. Hahahaha. Pasensya naman. Ano ba yang plano mo? Parang ok naman yung Theo eh." pagtatanggol nya.
Like duh?! Feeling close kaya sya. Hindi pa nga nya kami kilala ng bongga tapos sasama sya samin? Ok lang sya?!
"Anong ok? Hindi mo ba nahalata na parang feeling close sya satin Robs? Trust me, he's not the guy you think he is. I can feel it. Marami na kong lover na ganyan ang ugali sa impisa but sa umpisa lang yun." pagkontra ko kay Robs.
"Okay, eh anong plano mo?" sabi nya.
Yes, sabi ng curious rin to eh. This is for Ands kaya sure akong aagree sya.
"The plan is, we will make that Theo guy close to us para malaman natin kung ano bang klase syang guy so that we can warn Ands if he's not a good guy. Alam naman natin na gullible si Andie at madaling ma fall sa guy lalo na kung maganda ang pinapakita sa kanya. Kaya minsan, nabubulag na sya and she can't see the bad side of the person anymore." I explained.
"Okay, I'm in. Para rin naman to kay Ands eh. She's like a sister to me, a very dear sister."
"Same here Robs kaya I don't want to see her sad. Baka ma fall sya for Theo eh. Sige na, its getting late. Let's go to sleep na? The plan will start tomorrow ha?"
"Okay. Mag sorry ka sa pagtataray mo sa kanya bukas saka tayo makikipagkaibigan sa kanya para naman hindi sya makahalata na may plano tayo." Robs said and that made my voice loud.
"No way! Like the heck, magsosorry ako?! Sa guy na yun?! Ewwww!" pagmamaktol ko.
"O, ayaw mo? Gusto mo bang magtaka yun kung ba't bigla kang makikipagclose sa kanya samantalang tinarayan mo sya kahapon?"
I heard Robs sigh. Hmmmpp! Sige na nga, may point siya. And its for Ands naman eh. But I'll make him pay kung hindi sya matino!
"OKAY OKAY. I'll say sorry bukas sa kanya. Happy now?" pagtataray ko.
"Good girl. O cia, matulog na tayo. Goodnight Liz. Kitakits bukas ha?"
"Goodnight rin Robs. Thank you for agreeing to my plan. Hihi. See you tomorrow. Muah. Love you. Byeee" pagpapaalam ko at binaba ko na ang phone.
See you tomorrow Mr. Theo Justine Mendez! *evil laugh*
------------------------------------------- Author's Note ---
Magwork kaya ang plano nila Robie? Anong klaseng lalake ba talaga si Theo? Makikilala nyo sya sa next chapter. :)
Sorry kung may mga mali sa chapter na to. :)
Btw, Robie Josephine Uy on the media. :)
VOTE. COMMENT. FAN.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Jerk
Fiksi RemajaBilyon ang tao sa mundo. Marami kang pwedeng makilala. Pwede silang maging bahagi ng buhay mo o magkakaroon ng malaking parte sa mundo mo. Jerk sya. Isang GAGO. Simula pa lang ng makilala ko siya, alam ko na yun. I'm just an average girl who wants t...