ANGEL SA GABI
Sayo’y nag aabang habang nakatunghay
Pilit idinidilat, matang mapungay
Sa gabing tahimik, ikaw ang dalangin
Anghel sa gabi ako’y iyong dalawin
Sa’yong pag dating dala’y hanging amihan
Anghel na binata aking nasilayan
Mula sa’king bintana siya ay dumaan
Anghel sa gabi kung siya’y aking ituran
Sa iyong mga ngiti ako’y napukaw
Sa iyong mga tingin ako’y nalusaw
Iyong labi ako ay hinihikayat
Na lumapit sa iyo at magpakagat
Anghel ko sa gabi ako’y ‘yong angkinin
Ang ikabubuhay mo’y sa’kin mo kunin
Ilapit ang pangil at ako’y kagatin
Masagana kong dugo iyong namnamin
Atin nang pagsaluhan ang gabing ito
Iyo’ng angkinin buo kong pagkatao
Pagkat mamaya lang ika’y maglalaho
Sa sinag ng araw ika’y nagtatago
Hanggang sa muling pagkagat ng gabi
Hanggang sa muling pagtatagpo ng labi
Hangga’t may dilim ako’y mananatili
Mag aabang sa’yo anghel ko sa gabi
~ScarsAreBlind~
BINABASA MO ANG
Poems of a not so famous Poet
PoetryNang piliting kumahol ng pusa Isulat ang titik ng bawat hinuha Idaing ang hinagpis sa bawat pahina Ibulong sa aklat ang bawat luha.