LOST
Kaysarap damhin ang bulong ng hangin
Sa puso ni mayuming nangingilin
Sa tabi ng dalampasigan ang alon ay umibig
Sa ibong lumilipad, humahalik sa tubig
Ang awit ng ibon, tambol ng paghamon
Pinagtatakpan hinagpis ng alon
Sa likod ng ulap, higanteng araw
Di masikatan ginintuang ibabaw
Lumipas ang araw hinagpis di naglaho
Nilimot ng tadhana kasabay ng pag guho
Saksi ang buhanging may ginintuang kinang
Sa pag iibigang tila sinayang.
~ScarsAreBlind~ 271106
BINABASA MO ANG
Poems of a not so famous Poet
PoetryNang piliting kumahol ng pusa Isulat ang titik ng bawat hinuha Idaing ang hinagpis sa bawat pahina Ibulong sa aklat ang bawat luha.