Part 1

14 0 0
                                    

Title: My Gay Homophobic Brother

Written by: Olegario Toledana

Dedicated to: LGBTQIA+

Inspired by: The Brother

================================================================

Disclaimer: Ito ay kwento hango sa totoong buhay. ang mga pangalan nang mga Tao, Lugar, at Organisasyon sa kwento ay Pinalitan. ang ano mang pagkakahawig o pagkakatulad sa kasalukuyan buhay man o patay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Paunawa: ang kwentong ito ay nangangailangan nang Lawak nang pag-iisip, Gabay sa kabataan, Bukas ang puso, at handing Tumanggap. Ito ay isinulat upang maging gabay at inspirasyon sa mga nakakaranas. walang intensyong manira o mang husga nang sino man. sana ay inyong maibigan.

================================================================

Part1

sinong mag aakala na mayroong bakla na homophobic o contra sa LGBTQ+ community. maniwala man kayo sa hindi meron talaga. noong una hindi ako naniniwala until I found out na isa doon ang kuya ko. bakit ko nga ba nasabing baklang homophobic siya? well, kung interisado ka basahin mo ito hanggang dulo. pero kung hindi di naman kita pinipilit na basahin ito... hehe... pero malay mo isa pala dito ang kapatid mo o ikaw mismo. kaya kung ako sayo basahin mo para malaman mo. para na rin pala ito sa nakararanas nang mga discrimination mula sa mga pamilya on how I come out and survive on this miserable kind of Life being part of LGBTQIA+ community.

so now let's get started. ako nga pala si Glen 25 years old na ako ngayon. tapos nang 4th year college sa kursong Office Administration, pero nawalan nang trabaho after almost one year of working dahil sa Pandemic. ngayon ay nakatira ako sa bahay nang kapatid kong lalaki na may asawa dito sa Laguna. may sakit siya, nag dadialysis twice a week. yun din ang dahilan kung bakit hindi ako naka uwi sa province at hindi rin makabalik sa trabaho dahil wala siyang kasama dito sa bahay. ang asawa niya ay pinag stay-in sa pinapaukang companya, at mga kapatid at magulang naming ay nasa province at hindi rin maka punta ditto dahil sa travel restrictions.

isa akong Gay as in gay. pero minsan na lang ako dumadamit nang pang babae at ditto na lang sa loob nang bahay. dahil respeto na rin sa kuya ko pero okay lang naman sakanya kung ano ako at kung ano ang gawin ko sa buhay ko. pero syempre inaalala ko rin ang pweding sabihin sakanya nang mga tao ditto. kaya pa boy lang ang itsura ko sa labas nang bahay pero ang kilos at pananalita ko ay pagirl. hehe kaya alam na rin ng karamihan ditto kung ano talaga ako and luckily wala naman akong natanggap na discriminations mula sa kanila. maliban sa isa, at yun ay ang isa ko pang kuya na nakatira din ditto sa bahay nang kuya ko.

itago na lang natin siya sa pangalang Mariano. 32 years old. nagtatrabaho sa isang factory sa Batangas. hindi niya tinapos ang college. third year lang ang natapos niya at hindi na nagpatuloy dahil hindi siya nakapag OJT abroad dahil wala naming pang gastos sina mader at pader. hamak na construction worker lang noon ang father namin at farmer lang naman si Mother. nalobog pa nga kami noon sa utang may maibigay lang pang allowance at pang tuition niya. pero di siya nag tapos siya pa ang may ganang mag tampo. umalis siya at mahigit apat na taon hindi umuwi sa bahay. ipinasok siya nang father namin sa company na pinapasukan nito as messenger. pero hindi siya tumagal dahil masyado daw maarte sa trabaho at maraming reklamo. pagka alis niya doon ay walang naka alam kung saan siya pumunta ni hindi man lang naka alala sa magulang niya. ilang birthday nang parents namin mga Christmas, New years, Mothers and Fathers days ay hindi namin na kitang bumati man lang. hanggang sa isang araw tumawag siya kay Mother. umiiyak, hindi niya na daw kaya. yun pala broken hearted dahil iniwan nang kinakasama at wala nang pangbayad sa upa tapos nagkasakit pa sa bituka. kaya naman ay sinundo ni father sa tinitirahan nito sa Binan at pinatuloy na ditto sa bahay ni Kuya Mike at Ate Pine. ngunit hindi nagtagal ay pinaalis din dahil nagpatuloy nang kaibigan niyang Lalaki. sino naming hindi magagalit sa ginawa niyang yun eh pinatuloy na nga siya nag bitbit pa nang kasama. matapos noon ay wala na naman kaming naging balita sakanya.

mga bala pa lang kami ay hindi na talaga kami magkasundo. hindi pa ako lumaladlad noon pero siya may hinala na ako sa kanyang pagkatao. sabi nila Silahis lang daw siya. pero may silahis ba na ang nakasave na number sa phone ay mga lalaki. mga gusting kantahin ay mga pang babae. makembot pa sa babaing kumilos, bumibili nang whitening lotion, pang babaing sabon, contact lense at kung ano ano pang beauty product. at pag naikikipag usap sa mga girls lalaking lalaki ang boses pero pag lalaki ang kausap oh my nababali. tapos nang minsang umuwi siya noon sa province ay nakita niya nakapang babae akong suot naka make-up at mahaba ang buhok. na shock siya tapos madalas niya na akong tuksuhin... di ko alam kung na insecure ba siya oh ano... palagi niyang pinupuna ang suot ko. keshu badoy daw, pangit, hindi raw ako marunong mag dala. pero sakanya ko lang yun narinig. na hurt ako nang subra pero imbes na mainis ako ay hinayaan ko na lang. tapos may time pa noon na parang gusto niya akong mapahiya sa public, but sorry siya di ako nahihiya dahil tanggap na ako sa amin at immune na ako sa mga criticism kaya wala na akong cares sa sinasabi nang iba. wala naman kasi akong mapapala kung papatulan ko sila. kung ano man ang sabihin nila pasok sa isang tenga ko labas sa kabila, pag nakasalubong ko sila at binastos nila ako nginingitian ko lang iniisip ko na binibiro lang nila ako then wala na, kasi for me wala naming mawawala sakin kahit hipuan pa nila ako, kahit pisilin pa nila ang katawan ko, kahit duraan pa nila ako. hindi naman nila ako makukuha. at the end the day buo pa rin naman ang katawan ko at buhay parin ako kaya bakit ako matatakot o mahihinya as long as wala akong ginagawa para saktan nila ako physically. tayo rin naman kasi ang gumagawa nang dahilan para masaktan mentally kasi pinagtutuunan nantin nang pansin ang mga sinasabi nang mga nakapalibot satin. pero kung hindi rin naman patin papansinin wala rin namang mangyayari satin, at lilipas ang mga araw mapapansinmo na lang na gusto ka nanilang maging kaibigan. ganoon ang naging deskarte ko kaya nakasurvive ako.

pero ibang klase rin naman talaga itong homophobic na kuya ko. akala talaga naming ay silais lang siya dahil nabalitaan naming na may kasintahang babae ito sa Laguna. pero hindi niya ito pinakilala. until I graduated and nag bakasyon kami dito sa Laguna at noon lang namin siya muling nakita dahil pumunta siya nang mabalitaan niyang magbabakasyon kami nila mother kila Kuya Mike. maayos naman ang naging pakikitungu namin sa isa't isa. maputi siya, yayamanin ang itsura, nakacontact lense, naka mamahalin ang sapatos Nike, naka silver na relo, at naka vivo na phone. tapos itinabi niya sa phone ko yung phone niya, nahiya naman ako cherry mobile lang phone ko basag basag pa ang screen. tapos tumabi siya saakin na parang kinukumpara ang skin naming eh di shing siya naang maputi ako na ang negro. tapos panay tawa pa siya, so ano gusto niyang palabasin? pero di ko na lang yun pinansin, actually hindi naman siya ang talagang pinunta namin noon kundi ang kuya Mike ko. then after a week umuwi na kami nila mother sa province. after 2months tinawagan ako ni Father dahil may hiring daw sa Makati na office staff kaya pinapa kuha akong mga requirements at pinabalik ako ditto sa Laguna.

pagdating ko nang laguna ay isinama ako ni Father sa Makati at doon nga ako agad na natanggap as coordinator. mataas ang rate, 550 a day. yun nga lang pag dating nang payday puro lang bale. 500 minsan 200, eh uwian pa ako noon nang laguna. oh diba ang saya... kaya after a month pinaalis na ako doon ni Father wala nang paalam paalam or resign resign hindi naman pala kasi yun official eh... illegal recruiter pala shuta. after ko doon ay ipinasok na ako nang kapatid ko sa pinapasokan nilang company pero dinala ako sa Jobsite as Doorman o taga observe nang mga nagtatrabaho. pero atleast maganda yung pasahod nag start ako sa 470 a day, first sahod ko through ATM na kaagad kaya I'm so lucky tapos may barracs pa puro mga lalaki ang kasama ko pero meron din naman na mga tulad ko. kaya hindi rin ako nakaranas nang discrimination doon. and pag uwi ko sa bahay ng kuya Mike ko. na surpresa ako dahil ditto na nakatira ang mortal enemy ko. and guess what happen next... abangan sa next chapter...

itutuloy..

My Gay Homophobic BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon