Huwag sanang dumating sa punto na
babalik ka at magtatanong
kung bakit lumalayo naman ako.Dahil hindi ko alam kung paano ko
sasagutin iyon kung gayong
presensya mo pa rin talaga
ang hanap ko,
pero-kung babalik ka man talaga,
sana ay huwag mo nang balakin
na daanin ako sa iyong pagsuyo.Dahil magtatangahan lang tayo
kung aasta kang nakalimutan mong
sa ating dalawa,
ikaw ang unang sumuko.