Sa kalagitnaan ng gabi habang umiiyak ako
ay nahulog bigla ang larawan mo-na pruweba kung gaano ako kasabik sa'yo
at nais ay tanaw ka pa rin kahit sa kwarto ko.Sa kalagitnaan ng gabi habang umiiyak ako
ay nahulog bigla ang larawan mo-na dahilan kung bakit ako naging sobrang kabado
sa sobrang pag-aalala para sa'yo.Sa kalagitnaan ng gabi habang umiiyak ako
ay nahulog bigla ang larawan mo-iniisip kung dapat na bang tumungo papunta sa'yo,
pero dapat kong pigilan ang sarili na gawin ito.Sa kalagitnaan ng gabi habang umiiyak ako
nang dahil sa sobrang pananabik sa'yo,
kahit pa hindi na ako ang taong pinili mo...ay nahulog bigla ang larawan mo na yakap ako.