ugh

6 0 0
                                    

Sa pagtitig mo sa akin ako ay sobrang napa-ungol
Sa labis na tuwa at bigla na lamang may bumukol
Sa aking puso na pangalan mo at hindi na nakatutol
Pagtibok ay naging tinta na naging paputol-putol.

Sa pakikipag-usap ko sa'yo ay umungol din sa saya
Hinayaan na ang buong lakas ko sa iyo'y maaksaya
Hindi iniinda at iniintindi kahit pa ako ay manlambot pa
Maging ang naninigas kong puso dulot ng pag-iisa.

Hinahanap-hanap ang pag-ungol na dulot mo
Pag-ungol sa galak dahil sa ako ay pinapasok mo
Sa buhay mo na siya naman talagang ninamnam ko
Nilasap ang bawat patak ng oras na ika'y kasama ko.

Huling-huli mo ang mga tinatago-tago kong kiliti
Pati kung paano mo papulahin ang mga tenga at pisngi
Sa kilig na akala ko ay intensyon mo at iyong sinasadya,
Pero pagkatapos ng sarap ng sandali ay bigla kang nawala.

Sa iyong pag-alis ay hindi ko naiwasang mapa-ungol
Sa sakit dahil sa mga kaligayahan kong iyong pinutol
Pinadugo mong muli ang aking nararamdaman
Na nanahimik lang naman pero iyong pinakialaman.

Sa iyong pagbalik sa kanya, akong muli ay tinigasan
Ng puso at hinding-hindi mo iyon maiintindihan
Dahil wala ka namang iba pang inintindi kundi
Ang ako ay masaktan para mapasaya mo ang iyong sarili.

Lupaypay at hinang-hina dahil sa aking pagkabigla
Na ikaw ay babalik sa taong magbibigay sa iyo ng sigla
Sa pagpapa-ungol mo sa akin, ikaw ay dalubhasa
Dahil may kasama pa iyong hagulgol at pagkabalisa.

Sa pagpapa-ungol mo sa akin, ikaw ay magaling.
Kuhang-kuha mo kung paano ako sa iyak ay hahalinghing
Binigay ko pa rin sayo ay saya at mga paglalambing
Sa kabila ng iyong panandaliang walang kwentang pagdating.

my lumbay talesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon