Summer's POV
Umpisa na naman ng kalbaryo ko dito sa school. Nakakaconscious lang kasi yung mga tao dito panay kasi ang tingin nila pag lumalakad ako sa hallway. Para kasing may mali. Tinitingnan ko naman ang sarili ko sa mirror before akong umalis ng bahay at wala naman akong problema sa itsura ko. Di kaya mabaho ako? Di naman siguro nagdedeodorant naman ako at alam ko isa yun sa mga famous brand in the world.....
Siguro kasi maganda lang talaga ako kaya ganun noh??hahaha XD ... im joking right?
Hahaha...
Pero kahit ganun chin up parin akong lumalakad.Actually kakalipat ko lang kasi dito. As far as I know 5 months ago pa kami dito. Dito kasi pinakamalapit ang real state na pinagtatrabahuan ni papa at dahil medyo nakapag ipon na sila nakabili kami ng lot na pinatayuan namin ng bahay.
Isang semi private ang pinasukan kong highschool iba sa dati kong school kasi private yun. Iba pala talaga yung treatment ng student dito. Tas medyo asal kalye yung iba sa mga kaklase ko . Syempre may mga mabait din like Aein (Aein Samantha Cy) Shes an officer sa student council. Kavibes ko sya sa British boy band at kasama sya sa maliit ba circle of friends ko actually dalawa lang sila.hahaha.
Dumating na si Maam Reyes at nagsimula nang magdiscuss about sa topic ng Biodiversity nakakainis kasi wala akong maintindihan kasi kinukulit ako ni Troy( medyo paranoid kong kaklase) tungkol sa project niya di kasi nakikinig kaya di nakapagpasa on time tssss.....minsan nga pasakit na siya.
"Alvarez and Jackson are you listening?" Tanong ni maam. Hala lagot!bwisit kasi eh.
KRINNNNNNGGGGG!!!!!
Owwww....save by the bell ..
Grabe yun.. muntik na.. baliw talaga yung si troy.
Lunch break na..di ko makakasama si aein kasi may meeting pa siya. Kaya in the end mag isa akong kumain. Pumunta ako sa field ng school para makaiwas sa crowd na nasa canteen may baon naman ako kaya di na kailangan makipagsisiksikan dun sa mabahong canteen ,nakakasoffocate kaya tas di ako makakapagconcentate sa pagbabasa .
Sa field may nakita akong magbestfriend na kumakain ng sabay nakakainggit meron din dapat ako niyan eh.
Flashback:
"Summer,baba na diyan baka mahulog ka,ako nalang kasi kukuha ako naman yung inuutusan eh." Nakapatong kasi ako dun sa upuan para kunin yung tarpaulin na pinapakuha ni tita.
"Eh ako na,kaya ko naman eh"pagpupumilit ko may kasalanan kasi ako sa kanya ,gusto ko lang bumawi.
"Ako na kasi dami mong alam. Mahuhulog ka lang eh.lampa ka pa naman."
Sinamaan ko sya nang tingin,grabe makapanlait eh siya na nang tinutulungan. Nagdabog ako so nagagalaw ko yung upuan at biglang
BOOOOGGGGHHHHHHSSSSSS!!!!!
Pagkamulat ko nakita ko si Ice sa ibabaw ko......waaahhhhh!!
Alam kong napaka redundant na mga panyayari sa movies at teleserye , kaya tumayo ako agad at tumakbo palabas
Shemay, kadiri .... hindi ako kinikikig , wahhhh!!!Plocccckkkkkkk..........
Ouch ...natigil ako sa pagrereminisce ng may masakit na feeling sa ulo ko pagtingin ko ,may mga taong papalapit sakin. At siguro mga varsity players sila..At akala ko ako yung pupuntahan nila ,yung bola pala. Assuming noh. Baka di nila alam na nataman ako ...
Hayaan mo na nga,di ko nalang sila pinansin. Hinimas himas ko yung part na masakit / natamaan ng bola.. ayokong makipag ayaw di ko ugali yun kahit masakit tiniis ko na lang.*****
Wala naman masyadong nangyari sa school at eto pauwi na ko,maaga kaming dinismiss kasi may board meeting pa yung mga teacher . Nagaantay ako ng jeep paara makauwi na dami kayang assignment baka di ko matapos.